日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGA02-2

2
Tagal ng pananatili, Pagpapatuloy ng tagal ng pananatili, Pagbabago ng visa, Permanenteng residente, Pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa, Muling pagpasok sa Japan at Pagkuha ng visa
2-2 Pagpapatuloy (renewal) ng tagal ng pananatili
Kapag tumagal ang pananatili sa Japan at nais ipatuloy ang parehong Gawain, kailangang isagawa ang pagpapatuloy (renewal) ng tagal ng pananatili. Maaari nang isagawa ang pag-aplay sa renewal dalawang buwan bago ang petsa ng pagkawalang-bisa ng inyong visa. Magkaiba ang mga dokumentong kakailanganin para sa proseso sa uri ng visa at sa tagal ng pananatili, kaya makipagsangguni sa tanggapan ng Immigration Bureau sa lugar na inyong tinitirhan.

Mga dokumentong kailangang ihanda Saan ipapasa ang dokumento/Sanggunian Mula at hanggang kailan Processing fee
1 Application form para sa renewal o pagpapatuloy ng tagal ng pananatili
2 Pasaporte
3 Alien registration card
4 Dokumentong nagsasaad ng dahilan sa pag-aplay ng renewal
<kung sakaling natanggap na ng pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa>
5 Sertipiko ng pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa
Atbp
Saan ipapasa ang dokumento:

Sa tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar
Sanggunian: Sa tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar o di kaya’y sa Foreign Resident Information Center (Tingnan ang 4 Mga katanungan tungkol sa pananatili sa Japan)
Mula dalawang buwan bago ang petsa ng pagkawalang-bisa ng visa Kapag natanggap ang pahintulot, kailangang magbayad ng 4,000 yen (para sa revenue stamp)


CLAIR