日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGA02-3

2
Tagal ng pananatili, Pagpapatuloy ng tagal ng pananatili, Pagbabago ng visa, Permanenteng residente, Pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa, Muling pagpasok sa Japan at Pagkuha ng visa
2-3 Ilegal na pananatili (overstay)
Kapag lumampas nang kahit isang araw sa takdang panahong pinagkaloob ng visa, ito ay magiging kaso bilang ilegal na pananatili sang-ayon sa batas at hindi papayagang makapasok sa Japan ng limang taon. Ang sumusunod ang magiging proseso para sa pagpapauwi ng mga taong nahuling nag-overstay.


Karaniwang paraan ng pag-uwi
Kapag nag-overstay ng bahagyang panahon dahil sa di maiwasang pangyayari tulad ng sakit, isagawa ang proseso para sa renewal ng tagal ng pananatili at kapag pinahintulutan, maaari makauwi sa karaniwang paraan kaya tumungo agad sa pinakamalapit na tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar.
Pag-uwi ayon sa isang departure order Ang mga ilegal na natili sa Japan ay hindi huhulihin at mapapahintulutang maka-uwi sa kanyang bansa sa mabilis na paraan kung ito ay susunod sa mga ilang patakaran.
(1) Ang sumuko kaagad sa Immigration Bureau ng kanilang lugar at buo ang nais na lumabas ng Japan.
(2) Ang hindi puwersahang ipinapatapon ng batas.
(3) Ang mga walang kasong krimen at walang sentensya mula sa batas.
(4) Ang hindi pa nakatanggap kahit kalian ng utos upang lumabas ng Japan o puwersahang pagpapa-uwi sa bansa.
(5) Ang nakakasiguradong kaagad-agad makakalabas ng Japan.
Sistema ng deportasyon Ang mga nahuli ay ikukulong. Pagkatapos ay ipapasa sa Immigration Bureau ng kanilang lugar upang asikasuhin ang mga papeles sa puwersahang pagpapa-uwi ngunit sa ibang pagkakatapon ang mga nahuli ay maari ding humarap ng kaso. Ang mga ipinatapon o puwersahang pinauwi ay hindi maaring makapasok o makabalik sa Japan ng 5 taon. Ang mga napatapon na sa nakaraan naman ay hindi maaring makabalik sa Japan sa loob ng 10 taon o habang buhay.
*Pagpapahintulot sa patuloy na pamamalagi sa Japan: Ang mga taong puwersahang ipinapa-uwi ay maari ding pagkalooban ng pahintululot upang patuloy na makapamalagi sa Japan ng Miniter of Justice matapos suruin ang rason ng pananatili sa Japan. Ang nagdedesisyon ukol dito ay ang Minister of Justice. Ang napagkalooban ng ganitong pahintulot ay bibigyan ng status of residence at upang patuloy na makapanatili sa Japan.


CLAIR