日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGA02-4

2
Tagal ng pananatili, Pagpapatuloy ng tagal ng pananatili, Pagbabago ng visa, Permanenteng residente, Pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa, Muling pagpasok sa Japan at Pagkuha ng visa
2-4 Pagbabago ng uri ng visa
Ang mga taong ang status of residence ay kabilang sa sumusunod tulad ng “Asawa o anak ng Hapon/Spouse or Child of Japanese National,” “Long-term Resident,” “Permanent Resident,”“Asawa ng Permanent Resident/Spouse or Child of Permanent Resident” ay pinapahintulutang magtrabaho kung kaya’t hindi ito kinakailangang papalitan o ipabago ang uri ng visa para makapagtrabaho. Ngunit ang mga taong hindi nakabibilang sa mga nabanggit ay kailangang papalitan ang uri ng visa upang makapagtrabaho. Kakailanganing pumunta sa Immigration Bureau upang mag-aplay sa pagpapalit ng visa. Ang mga kailangang dokumento upang isaad ang proseso ay naiiba ukol sa uri ng status of residence at haba ng pananatili sa Japan. Mangyari lamang makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Immigration Bureau para sa mga importanteng detalye.

Mga dokumentong kailangang ihanda Saan ipapasa ang dokumento/Sanggunian Mula at hanggang kailan Processing fee
1 Application form para sa pagbabago ng uri ng visa
2 Pasaporte
3 Alien registration card
4 Dokumentong nagsasaad ng dahilan sa pag-aplay
<kung sakaling natanggap na ng pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa>
5 Sertipiko ng pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa
Atbp
Saan ipapasa ang dokumento:

Sa tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar
Sanggunian: Sa tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar o di kaya’y sa Foreign Resident Information Center (Tingnan ang 4 Mga katanungan tungkol sa pananatili sa Japan)
Mula sa panahon nang mapag-alaman ang dahilan ng pagpalit ng visa, bago ang petsa ng pagkawalang-bisa ng visa Kapag natanggap ang pahintulot, kailangang magbayad ng 4,000 yen (para sa revenue stamp)


CLAIR