日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGA02-6

2
Tagal ng pananatili, Pagpapatuloy ng tagal ng pananatili, Pagbabago ng visa, Permanenteng residente, Pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa, Muling pagpasok sa Japan at Pagkuha ng visa
2-6 Pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa
Halimbawa kung nais magtrabaho ng part-time ang isang foreign student, kailangang makatanggap ng pahintulot para makapagtrabaho. Para makapagtrabaho nang part-time at tumanggap ng sahod ang mga may hawak na visa na di pinahintulutang makapagtrabaho, kailangang kumuha ng pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa sa tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar. Kung nagtrabaho nang di sakop sa ipinagkaloob na visa, matuturing itong “illegal employment” at mapapatawan ng penalty. Makipagsangguni sa pinakamalapit na tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar para sa detalye.

Mga dokumentong kailangang ihanda Saan ipapasa ang dokumento/Sanggunian Kailan Processing fee
1 Application form para sa pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa
2 Dokumentong malinaw na nagpapatunay na ang gagawin ay may kinalaman sa pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa kasalukuyang ipinagkaloob na visa
3 Pasaporte
4 Alien registration card
Atbp
Saan ipapasa ang dokumento:
Sa tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar
Sanggunian: Sa tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar o di kaya’y sa Foreign Resident Information Center (Tingnan ang 4 Mga katanungan tungkol sa pananatili sa Japan)
Kapag ibig makuha ang suweldo o bayad para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa Walang bayad


CLAIR