
|
Tagal ng pananatili, Pagpapatuloy ng tagal ng pananatili, Pagbabago ng visa, Permanenteng residente, Pahintulot para sa mga gawaing di sakop sa ipinagkaloob na visa, Muling pagpasok sa Japan at Pagkuha ng visa |
|
2-7 Pahintulot para muling makapasok sa Japan (re-entry permit)
Kapag pansamantalang lumabas ng Japan para magbiyahe ang mga may hawak na visa, tiyakin na makakuha ng re-entry permit sa tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar. Sa loob ng panahon ng inyong pananatili, kapag pansamantalang lalabas at muling papasok ng Japan, isagawa ang proseso para makakuha ng re-entry permit bago lumabas ng bansa. Sa oras ng muling pagpasok ng Japan, hindi na kailangang muling kumuha ng visa at maaaring manatili sa Japan na gamit ang visa na ipinagkaloob bago lumabas ng bansa.
(1) Ano ang tinatawag na re-entry permit?
Mahalagang proseso para sa mga may hawak na visa maliban sa mga humahawak ng Temporary Visitor na visa (mga taong bumisita ng Japan ng maiksing panahon para sa layunin liban sa trabaho tulad ng sightseeing, pang-negosyo at pagbisita ng pamilya at kaibigan) ang pagsagawa nito kapag lalabas nang saglit at muling papasok ng Japan. Kapag lumabas ng Japan na di nakuha ito, mawawalan ng bisa ang ipinagkaloob na visa.
(2) Single entry at multiple entry na re-entry permit
Mayroong single entry at multiple entry na re-entry permit.
Single entry: Magagamit lamang ng isang beses.
Multiple entry: Maaaring gamitin ng maraming beses habang may bisa ang visa.
(3) Bisa ng re-entry permit
Hanggang sa petsa ng pagkawalang-bisa ng visa at hanggang sa 3 taon (4 na taon para sa special permanent resident) maaaring gamitin ang re-entry permit at hindi ito puwedeng lumampas dito. Mag-aplay para sa re-entry permit hanggang sa 10 araw bago ang petsa ng katapusan ng visa.
| Mga dokumentong kailangang ihanda |
Saan ipapasa ang dokumento/Sanggunian |
Hanggang kailan |
Processing fee |
1 Application form para sa re-entry permit
2 Pasaporte
3 Alien registration card |
Saan ipapasa ang dokumento:
|
Sa tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar |
| Sanggunian: |
Sa tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar o di kaya’y sa Foreign Resident Information Center (Tingnan ang 4 Mga katanungan tungkol sa paninirahan sa Japan) |
|
Mag-aplay sa loob ng takdang panahon ng tagal ng bisa hanggang sa sampung araw bago ang petsa ng katapusan ng visa |
Kapag naipagkaloob ang re-entry permit <Para sa single entry> 3,000 yen (para sa revenue stamp)
<Para sa multiple entry> 6,000 yen(para sa revenue stamp) |
|