
Kinakailangang magparehistro ng alien registration ang mga dayuhan na dumadating o di kaya’y ipinanganak sa Japan. Ipagkakaloob sa kanila ang alien registration card na maaaring magsilbi bilang ID at dapat laging dala tuwing lalabas ng bahay.
|
Bagong pagpaparehistro para sa alien registration |
|
Pagdating sa Japan, sa loob ng 90 araw mula nang pagdating, dapat magparehistro ang mga mananatili nang higit sa 90 araw (hindi na kailangan para sa mga lilisan ng Japan sa loob ng 90 araw) ng alien registration sa tanggapan ng munisipyo ng inyong lugar.
Dapat ding iparehistro sa loob ng 60 araw mula nang kapanganakan ang mga sanggol na di Hapon na ipinanganak sa Japan.
Mismo ang taong magpaparehistro ang mag-aaplay, ngunit para sa mga nasa edad na mababa sa 16 taong gulang o kung di maka-aplay nang sarili dahil sa may karamdaman, maaaring mag-aplay ang isang kasambahay na may edad na higit 16 taong gulang bilang proxy o taong iyong kinatawan.
1-1 Pagdating sa Japan
| Mga dokumentong kailangang ihanda |
Saan ipapasa ang dokumento/ Sanggunian |
Mula at hanggang kailan |
Processing fee |
| 1 |
Application form para sa alien registration
(maaring kumuha ng kopya sa tanggapan ng munispyo) |
| 2 |
Pasaporte |
| 3 |
ID photo, 2 magkaparehong kopya
- taas 4.5 cm x haba 3.5 cm
- kuha sa loob ng nakaraang 6 na buwan
- pataas na bahagi ng katawan at walang sombrero
* Di kailangan para sa may edad na mababa sa 16 taong gulang |
| <kung sakaling nag-aplay na may proxy o tao bilang iyong kinatawan> |
| 4 |
Alien registration card ng proxy o tao bilang iyong kinatawan |
| 5 |
Kung may sakit, dokumento tulad ng medical certificate mula sa duktor |
|
Sa tanggapan ng munisipyo ng inyong lugar |
Sa loob ng 90 araw mula nang pagdating sa Japan |
Walang bayad |
1-2 Pagkapanganak ng sanggol
| Mga dokumentong kailangang ihanda |
Saan ipapasa ang dokumento/ Sanggunian |
Mula at hanggang kailan |
Processing fee |
1 Application form para sa alien registration
(maaring kumuha ng kopya sa tanggapan ng munispyo)
2 Sertipiko na nagpapatunay ng pagrehistro ng kapanganakan, o ang talaan ng kalusugan ng mag-ina (boshi kenkou techou)
* Kung sakaling di naparehistro ang kapanganakan sa tanggapan ng munisipyo ng inyong lugar, kailangang magpakita ng sertipiko na nagpapatunay ng pagrehistro ng kapanganakan |
Sa tanggapan ng munisipyo ng inyong lugar |
Sa loob ng 60 araw mula nang kapanganakan |
Walang bayad |
|