Ipapaliwanag ang tungkol pagpapakasal at pagdidiborsiyo ng dayuhan na alinsunod sa batas ng Japan. Malaking pagkakaiba ng dayuhan sa Hapon ang paraan ng pagbibigay-alam at pagrerehistro ng pagpapakasal at pagdidiborsiyo hindi lang sa Japang kung hindi rin sa sarili nilang bansa. Kailangan ding isagawa ang sari-saring pagrehistro kasabay ng pagpapakasal at pagdidiborsiyo. Huwag itong kalimutang isagawa.
Sa international marriage, kailangang sundin ang batas sa pagpapakasal ayon sa kani-kaniyang bansa ng taong magpapakasal. Mahalaga din ang pagsagawa ng proseso ng pagpapakasal sa bawa’t bansa.
Bukod sa sertipiko para sa pagrehistro ng pagpapakasal o kon’in todoke, dahil nakasaad sa mga kaugnay na batas ang iba pang pagpaparehistro tulad ng alien registration, huwag kalimutang isagawa ang mga ito (Tingnan ang
3 Mga dokumento na may kaugnayan sa pagpapakasal at pagdidiborsiyo). Sa panahong ito, marami sa isinasagawang pagpaparehistro ang dumadaan sa paaralan o sa lugar ng pinagtratrabahuhan kaya ipagbigay-alam sa paaralan o ang lugar na pinagtratrabahuhan.
Sumusunod ang mga kondisyon para sa pagpapakasal na nakasaad sa batas ng Japan. Kailangang matupad ang bawa’t isa nito.
|
- Para sa lalaki, 18 taong gulang at sa babae, 16 taong gulang ang edad para sa pagpapakasal (Article 731 ng Civil Code)
- Para sa mga mababa sa 20 taong gulang ang edad, kailangan ang pahintulot mula sa magulang (Article 737 ng Civil Code)
- Hindi kasal sa ibang tao (Article 732 ng Civil Code)
- Para sa babae na muling magpapakasal, ayon sa batas, nakalipas ang 6 na buwan mula nang araw ng pagpapatupad ng diborsiyo (Article 733 ng Civil Code)
|