
Para rin sa mga dayuhan na nakatira sa Japan, kapag nakipagdiborsiyo sa Japan, iparehistro ang diborsiyo. Kailangan din itong iparehistro sa sariling bansa. Tulad ng pagpapakasal, nakasaad sa mga kaugnay na batas ang iba pang pagpaparehistro tulad ng alien registration kaya huwag kalimutang isagawa ang mga ito (Tingnan ang 3 Mga dokumento na may kaugnayan sa pagpapakasal at pagdidiborsiyo).
2-1 Pagrehistro ng diborsiyo
Tinatawag na pagrehistro ng pagdidiborsiyo ang pagpasa ng dokumento sa tanggapan ng munisipyo kapag magpapadiborsiyo. Sa diborsiyo, mayroong kyougi rikon o diborsiyo batay sa pagkasunduan at choutei rikon, shinpan rikon at saiban rikon o mga diborsiyo na ipinapatupad sa pamamagitan ng family court (katei saiban).
(1) Kapag di Hapon ang asawa
Kung parehong sang-ayon sa diborsiyo ang mag-asawa, masusunod ang batas ng Japan. Subalit hindi masasabi kung magkakaroon ito ng bisa sa bansa ng asawa ayon sa pagkakaiba ng batas. Magkaiba din ang paraan at proseso ng diborsiyo sa iba’t ibang bansa kaya tiyakin ang mga ito sa embassy o consulate ng bansa sa Japan. Kapag kailangan, humiling na maipagkaloob ang sertipiko ng pagtanggap ng dokumento para sa pagrehistro ng pagdidiborsiyo o rikon todoke juri shoumeisho.
Kung sakaling may anak, kailangang iparehistro ang pangalan ng magulang na pagkakalooban ng pananagutan sa pangangalaga ng anak at ang pangalan ng magulang na sumang-ayon sa pagkakaloob ng pananagutan na ito.
| Dokumentong kailangang ihanda |
Saan ipapasa ang dokumento/ Sanggunian |
Mula at hanggang kailan |
Sino ang magpaparehistro |
1 Sertipiko para sa pagrehistro ng pagdidiborsiyo o rikon todoke (makukuha ito sa tanggapan ng munisipyo)
* Kailangang may lagda at tatak (natsuin) ng dalawang saksi na may sapat na gulang
2 Kopya ng family register o koseki touhon (para sa Hapon)
3 Pasaporte
4 Sertipikong nagpapatibay sa mga nakatalang detalye sa alien registration o certificate of registered matters on alien registration (Tingnan ang B Alien registration 2)
5 Para sa choutei rikon atbp, ang opisyal na kopya ng talaan ng pakikipag-usap (choutei chousho) o ng desisyon ng korte (shinpansho o hanketsusho) at sertipiko na nagpapatibay nito |
Sa tanggapan ng munisipyo sa lugar na tinitirhan ng isa sa mag-asawa, o di kaya’y sa munisipyo kung saan nakarehistro ang family register ng Hapon |
(Kung kyougi rikon) Maaaring iparehistro kapag kailangan
(Kung choutei rikon atbp) Iparehistro sa loob ng 10 araw mula nang mabigay ang desisyon o resulta ng pakikipag-uusap |
(Kung kyougi rikon) Ang mag-asawa
(Kung choutei rikon, shinpan rikon o saiban rikon) Ang tagapamagitan |
* Kapag kinakailangan, pagkatapos tanggapin ang inyong dokumento, humiling na maipagkaloob ang sertipiko ng pagtanggap ng dokumento para sa pagrehistro ng pagpapadiborsiyo o rikon todoke juri shoumeisho
● Kapag ayaw makipagdiborsiyo ang asawa
Kung pilit na hingan ng diborisyo ng inyong asawa, at kanyang inilagda ang sertipiko para sa pagrehistro ng pagdiborsiyo ( rikon todoke) na walang pahintulot at pinasa ito sa tanggapan ng munisipyo ang, kusang maipapatupad pagdidiborsiyo.
Kung walang balak na makipagdiborsiyo sa asawa, magpasa ng form para sa pagtanggi ng pagrehistro o fujuri (di pagtanggap) ng diborsiyo. Batay dito, sa loob ng 6 na buwan mula sa pagpasa ng form, maaaring mapigilan ang pagtanggap ng sertipiko para sa pagrehistro ng pagdiborsiyo ( rikon todoke) sa tanggapan ng munisipyo. Kahit lumampas ang 6 na buwan, kapag hindi naisayos ang problema tungkol sa diborsiyo, kailangan muling magpasa ng panibagong form.
● Pagpapalit ng uri ng visa
Kapag nakipagdiborsiyo ang dayuhan na asawa ng isang Hapon, hindi ibig sabihin na mawawala ang pagkakilanlan bilang asawa ng Hapon (spouse of a Japanese national) at agad na dapat umuwi sa sariling bansa. Subalit kailangang isagawa ang proseso ng pagpapalit ng uri ng visa sa Immigration Bureau. Dahil mawawala ang katayuan bilang “Spouse of Japanese National,” hindi na maaaring ipabago ang visa na ito. Kapag nais pa ring patuloy na manirahan sa Japan, kailangang makakuha ng iba pang visa (Tingnan ang A Pagkuha ng visa (status of residence) 2-8 ).
● Kapag rehistrado ang isang international marriage sa kapwang bansa ng mag-asawa
Kung sa Japan lamang naisagawa ang proseso ng pagdidiborsiyo at nakalimutang isagawa sa sariling bansa, kinikilala pa rin ang pagiging kasal sa sariling bansa at kung magpapakasal muli, magiging itong bunga ng problema. Tandaan at tiyakin na maisagawa ang proseso ng pagdidiborsiyo sa sariling bansa.
(2) Kapag parehong di Hapon ang mag-asawa
Dahil magkaiba ang kondisyon para sa pagdidiborsiyo, tiyakin ang paraan ng proseso ng diborsiyo sa embassy o consulate ng kani-kaniyang bansa sa Japan.
|