日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGC03

3
Mga dokumento na may kaugnayan sa pagpapakasal at pagdidiborsiyo
Kasabay ng pagpasa ng kekkon todoke at rikon todoke, kailangang isagawa ang bawa’t isa sa sumusunod na pagpaparehistro. Hindi lamang ito sa tanggapan ng munisipyo kundi sa marami din ang pagpaparehistro na dadaan sa pamamagitan ng paaralan o lugar ng inyong pinagtratrabahuhan kaya kailangang ipagbigay-alam sa paaralan o ang lugar na pinagtratrabahuhan.

Mga kailangan na pagpaparehistro Saan ipapasa ang dokumento
Pagbabago ng uri ng visa Sa tanggapan ng Immigration Bureau sa inyong lugar
Pagbabago sa alien registration Sa tanggapan ng munispyo (Tingnan ang B Alien registration 3)
Pagrehistro ng pagpalit ng tirahan o lugar na tinitirhan Sa tanggapan ng munisipyo
Pagrehistro ng bagong tirahan Sa tanggapan ng munisipyo sa nilipatang lugar
Pagpalit ng pangalan o tirahan sa kokumin hoken at kokumin nenkin Sa tanggapan ng munisipyo
Pagpalit ng pangalan o tirahan sa driver’s license Sa tanggapan ng pulis/driver’s license center
Pagrehistro ng pagbabago sa rehistradong status Sa lugar ng inyong pinagtratrabahuhan
Pgababago sa pangalan o tirahan ng bank account Sa bangko o kinauukulang institusyong pampinansyal
Pagbabago ng kontrata para sa serbisyong elektrisidad, gas o tubig Sa kinauukulang kompanya para sa serbisyong elektrisidad, gas at tubig
Paglipat ng linya o pagkabit ng bagong telepono Sa kompanya ng telepono
Pagbigay-alam ng pagbabago sa tirahan para ipadala ang mga sulat atbp sa bagong tirahan Sa post office


CLAIR