日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGD01
その他の届出
Sa inyong pananatili sa Japan, kinakailangang magparehistro sa tanggapan ng munisipyo para sa alien registration, National Health Insurance, para sa inkan o sariling pantatak, atbp. Ilalahad dito ang proseso ng pag-aaplay at mga tanggapan ng gobyerno sa Japan na nagsasagawa ng nasabing mga proseso.

1
Tanggapan ng munisipyo
Sa tanggapan ng munisipyo isinasagawa ang iba’t-ibang proseso ng pagrehistro na kinakailangan sa pamumuhay sa Japan.
(1) Ang tungkulin ng tanggapan ng munisipyo
Sa tanggapan ng munisipyo ng lugar na inyong tinitirhan isinasagawa ang bawa’t uri ng pagrehistro. May iba’t-ibang uri ng consultation window o sanggunian kung kaya’t huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa kanila kung may problema sa pamumuhay.
Ito ang mga proseso na maaaring isagawa sa mga opisina ng munisipyo na malapit sa inyong tirahan.
Alien Registration National Pension Fund National Health Insurance
Paglipat ng elementary at junior high school Pagrehistro ng Pagpapakasal Pagrehistro ng Kapanganakan Pagrehistro ng Pagkamatay
(2) Mga counter kung saan maaaring makapagrehistro kahit sa gabi at tuwing holiday
May mga tanggapan ng munisipyo na may mga automatic machine na nagsasagawa ng bawa’t uri ng sertipiko sa gabi o tuwing holiday o araw na walang opisina. Mayroon ding serbisyo para sagutin ang inyong mga katanungan sa pamamagitan ng telepono o liham, email, atbp kahit sa gabi at tuwing holiday.


CLAIR