Ang family registry o koseki ang tinatawag na sistema ng pagrehistro ng kapanganakan, pagkamatay, pagpapakasal at iba pang bagay na may kaugnayan sa bawa’t indibidwal. Ito ay pampublikong katunayan ng pagkatao. Sakop din ng sistema ng family registry ang mga dayuhang naninirahan sa Japan kaya kinakailangan rin nilang iparehistro sa tanggapan ng munisipyo ang kapanganakan at pagkamatay, pagpapakasal at diborsiyo na naganap sa Japan base na rin sa sistemang ito. Maingat na nakatago ang mga pagrehistrong ito na magsisilbing dokumento na patunay sa inyong pagkatao.
* Kailangan din na pormal na ipaalam ang kapanganakan at pagkamatay sa sariling bansa. Tityakin ang prosesong ito sa embassy o consulate sa Japan.




