日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGD04

4
Pagrehistro ng pagkamatay
Kahit dayuhan, kapag namatay sa Japan, kinakailangan ding dumaan sa proseso tulad ng ordinaryong Hapon.
Sakop ng census registration ang mga dayuhan na naninirahan sa Japan kung kaya kinakailangang iparehistro ang pagkamatay sa tanggapan ng munisipyo batay na rin sa nabanggit na alituntunin (census registry).
Maliban sa pagrehistro ng pagkamatay, kailangang isauli sa tanggapan ng munisipyo ang alien registration card at itatanggal sa alien registration. Gayundin, may proseso ring dapat gawin sa bansa na pinagmulan ng namatay. Magkaiba ang prosesong ito sa bawa’t sa bansa kung kaya makabubuting kumpirmahin sa embassy at consulate sa Japan hinggil sa prosesong ito.
Sa sinumang namatayan ng asawa at may hawak na visa bilang asawa ng Hapon o “Spouse of Japanese National,” hindi maaaring baguhin ang tagal ng panahon ng pananatili. Kung nais na ituloy ang pananatili sa Japan, makipag-ugnayan sa Immigration Bureau.

Dokumentong kailangang ihanda Saan ipapasa ang dokumento Mula at hanggang kailan Processing fee
1 Sertipiko ng pagrehistro ng pagkamatay
mula sa tanggapan ng munisipyo o kaya ay sa ospital
2 Sertipiko ng pagkamatay
(Sa oras ng pagkamatay, may katibayan mula sa doktor sa may kolum na nasa sertipiko ng pagkamatay na kasama sa sertipiko ng pagrehistro ng pagkamatay.)
3 Inkan o sariling pantatak ng naghayag ng pagkamatay sa munisipyo
(Maaaring pirma o sign kung walang inkan o sariling pantatak.)
Sa tanggapan ng munisipyo ng inyong lugar o di kaya’y sa lugar na kinamatayan Sa loob ng 7 araw mula sa pagkakaalam ng pagkamatay Walang bayad
死亡申报书 死亡诊断书
CLAIR