日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGD05-1

5
Sariling pantatak (inkan)
Sa Japan, ginanagamit ang inkan o sariling pantatak sa halip na pirma o sign.
5-1 Ano ang tinatawag na sariling pantatak (inkan)?
May dalawang klase ng inkan o sariling pantatak na karaniwang ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay sa Japan. Ito ay ang sariling inkan o sariling pantatak na hindi nakarehistro (mitomein), at rehistradong opisyal na inkan o sariling pantatak (jitsuin). Ang rehistradong inkan (jitsuin) ang ginagamit na pantatak sa mahahalagang opisyal na dokumento. Maaring ipagawa ang mga ito sa hanko shop at batay ang presyo nito sa materyal na gagamitin.
(1) Sariling inkan o sariling pantatak na hindi nakarehistro (mitomein)
Ito ay ang maliit na inkan na ginagamit sa proseso at aplikasyon sa pampublikong tanggapan, pagtanggap ng pakete gaya ng galing sa post office atbp. Ito ay may kahalintulad na gamit ng pirma o sign. Walang takdang regulasyon hinggil dito, ngunit kailangang itagong mabuti dahil ginagamit din ito sa pagbubukas ng bank account (bank seal); tuwing maglalabas ng pera gamit ang bank passbook at sa oras ng pagsasara ng bank account.
(2) Rehistradong opisyal na inkan o sariling pantatak (jitsuin)
Ang rehistradong opisyal na inkan ay ang inkan na ipinapantatak sa mga mahahalagang opisyal na dokumento (o natsuin). Iparehistro ang inyong sariling pantatak (pagrehistro ng inkan o sariling pantatak) sa tanggapan ng munisipyo kung saan nakatira.


CLAIR