
|
Sariling pantatak (inkan) |
|
5-2 Pagrehistro ng inkan o sariling pantatak
Ang pagrehistro ng inkan o sariling pantatak ay kaakibat na trabahong sakop ng tanggapan ng munisipyo. Ang pagpapatupad nito ay depende sa patakaran ng bawa’t tanggapan ng munisipyo. Makikita sa sumusunod na table ang karaniwang proseso. Maaaring magparehistro ng inkan o sariling pantatak kung may edad na 15 taong gulang pataas at may alien registration. Mag-aplay sa tanggapan ng munisipyo. Limitado sa isang inkan o sariling pantatak ang maaaring iparehistro ng bawa’t tao. Makakatanggap ng sertipiko ng pagrehistro ng inkan o sariling pantatak (card type) kapag natapos ang proseso ng pagrehistro nito. Ginagamit ang rehistradong inkan o sariling pantatak ( jitsuin) at sertipiko ng pagrehistro ng sariling pantatak sa halip na pirma sa mga mahalagang transaksiyon tulad ng pagrehistro ng sasakyan, paggawa ng talaan o record ng ari-arian (real estate), transaksiyong pinansiyal, atbp. Dapat na pahalagahan at itagong mabuti ang mga ito.
* Kapag nawala ang sertipiko ng pagrehistro ng inkan o sariling pantatak, magbigay ng sertipiko ng pagkawala at kailangan ang panibagong pagrehistro ng inkan o sariling pantatak.
* Kung isang taong bilang iyong kinatawan ang mag-aaplay, kailangan ng letter of proxy at maaaring tumagal ng ilang araw ang proseso.
●Aplikasyon ng pagrehistro ng inkan o sariling pantatak (Kung may edad na 15 taon gulang pataas ang aplikante)
| Dokumentong kailangang ihanda |
Saan ipapasa ang dokumento |
Kailan |
Processing fee |
1 Sariling pantatak o inkan na ipaparehistro
2 Opisyal na dokumento na may larawan at patunay sa pagkatao ng aplikante
- Alien registration card
- Driver’s license
Atbp |
Sa tanggapan ng munisipyo ng inyong lugar |
Sa araw ng aplikasyon |
Pagpaparehistro: Walang bayad
Pagpagawa ng sertipiko: may bayad
(300 yen, nagkakaiba ang bayad sa bawa’t tanggapan ng munisipyo) |
Sertipiko ng pagrehistro ng pantatak o inkan (harap ng sertipiko)
(1) Mga maaaring iparehistro na titik o karakter
●Kung ipaparehistro sa alien registration ang pangalan sa Chinese character o kanji
1 Inkan o sariling pantatak ng apelyido at pangalan na nakasulat sa Chinese character o kanji
2 Inkan o sariling pantatak ng apelyido lamang na nakasulat sa kanji
3 Inkan o sariling pantatak ng pangalan lamang na nakasulat sa Chinese character o kanji
●Kung ipaparehistro sa alien registration ang pangalan sa alpabeto o roomaji
Inkan o sariling pantatak na nakasulat sa alpabeto o roomaji ng alin man sa apelyido, pangalan o middle name
●Kung ipaparehistro sa alien registration ang pangalan na alyas
Inkan o sariling pantatak na may nakasulat na rehistradong pangalan na inyong alyas
* Hindi maaaring iparehistro ang inkan na gamit ang inyong palayaw o middle initial.
* Ang alyas ay tumutukoy sa pangalan na ginagamit sa araw-araw na pamumuhay ngunit iba sa tunay na pangalan. Isa lamang ang maaaring iparehistro ng dayuhan na alyas na pangalan.
* Kung nakasulat ang alyas na pangalan sa katakana, maaaring iparehistro ang inkan o sariling pantatak na gamit ito.
(2) Inkan o sariling pantatak na di maaring iparehistro
May limitasyon sa inkan o sariling pantatak na maaaring iparehistro. Hindi maaaring iparehistro ang mga sumusunod na inkan o sariling pantatak.
・ naglalaman ng ibang bagay maliban sa apelyido, pangalan o middle name na nakasaad sa sertipikong nagpapatibay sa mga nakatalang detalye sa alien registration (certificate of registered matters on alien registration)
・ naglalaman ng ibang bagay maliban sa pangalan tulad ng trabaho at negosyo
・ inkan na gawa sa goma o materyales na madaling magbago ng hugis
・ inkan na ang buong haba ay mula 8 mm at hindi kakasya sa 25 mm na parisukat
・ inkan na malabo (hindi mabasa, may nawawalang parte sa nakaukit)
(3) Sertipikong nagpapatunay na rehistrado ang inkan o sariling pantatak
Kapag ginagamit ang rehistradong inkan (jitsuin), ang sertipiko ng inkan o sariling pantatak ang magpapatunay na orihinal ito. Sa Japan, kapag bumili ng bahay, lupa, sasakyan o kung papasok sa malalaking kontrata, kinakailangan ang rehistradong inkan (jitsuin) at ang sertipikong nagpapatunay na rehistrado ang inkan o sariling pantatak. Upang makakuha ng sertipikong nagpapatunay na rehistrado ang inkan o sariling pantatak, dadalhin ng aplikante o ng isang taong bilang kanyang kinatawan ang sertipiko ng pagrehistro ng inkan o sariling pantatak (card type) sa tanggapan ng munisipyo. Hindi na kailangan ang letter of proxy kahit na ang proxy o taong bilang kinatawan lamang ang mag-aaplay sa pagkuha ng sertipikong nagpapatunay na rehistrado ang inkan o sariling pantatak. Dapat ding tandaan na hindi mabibigyan ng sertipikong nagpapatunay na rehistrado ang inkan o sariling pantatak kung ang rehistradong inkan o sariling pantatak lamang ang ipapakita. (Kailangang dala ang sertipiko ng pagrehistro ng inkan o sariling pantatak na card type)
* May mga tanggapan ng munisipyo na may automated machines para sa ganitong serbisyo.
|