|
Upang makapagtrabaho sa Japan, maging ligtas at maginhawa ang pamumuhay, mahalagang malaman ang mga batas tungkol sa pagtatrabaho at ang mga kaugalian sa pinagtatrabahuhan. Alamin dito sa E Trabaho at Training ang mga pangunahing kaalaman at impormasyon, nang magkaroon ng maginhawang buhay-manggagawa dito sa Japan.

Kailangan sa paghahanap ng trabaho sa Japan ang visa (status of residence). Kumpirmahin muna ang uri ng inyong visa bago maghanap ng trabaho.
1-1 Maghanap ng trabaho
(1) Sitwasyon ng empleyo sa Japan
Isang pinakamalaking pagkakaiba sa mga gawi sa pinagtatrabahuhan sa Japan at sa ibang bansa ay, sa kasamaang palad, marami ang walang mga kontrata. Upang maiwasan ang mga problema sa hinaharap, mahalaga na kumpirmahing mabuti ang mga kondisyon sa pagtatrabaho bago tuluyang magtrabaho.
Mainam na magkaroon ng kasulatan mula sa employer o amo na naglilinaw ng mga kondisyon sa pagtatrabaho, kahit na walang kontrata. Dagdag dito, importanteng gamitin ang binuo ng Ministry of Health, Labor and Welfare na notipikasyon tungkol sa kondisyon sa trabaho o roudoujouken tsuuchisho (isinalin sa anim na wika --- English, Portuges, Español, Intsik, Koryano, at Tagalog).
Mula sa “Nihon de hatarakou to suru gaikokujin no minasama e (Sa Mga Gustong Magtrabaho sa Japan)” ng Ministry of Health, Labor, and Welfare
|