日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGE01-1_4

1
Paghahanap ng trabaho
(4) Mga batas na may kaugnayan sa pagtatrabaho
Nasasaklaw ng mga batas na ito ang kahit sinong dayuhang magtatrabaho sa Japan.
 ・ Ang Employment Security Law o Shokugyou Anteihou
Isinasaad dito na hindi dapat maging dahilan ang nasyonalidad para hindi mabigyan ng trabaho o maipasok sa trabaho. Subalit hindi maaaring maipasok sa trabaho nang labag sa batas.
 ・ Ang Labor Standards Law o Roudou Kijunhou
Isinasaad dito ang mga pamantayan ng kondisyon sa trabaho tungkol sa kontrata, sahod (suweldo), oras ng pagtatrabaho, araw ng pahinga (day off), taunang pahinga na may sahod (annual leave with pay), atbp. Isinasaad din dito na hindi maaaring gawing dahilan ang nasyonalidad, relihiyon o paniniwala, o katayuan sa lipunan para magkaroon ng pagtatangi (diskriminasyon) sa kondisyon sa pagtatrabaho tulad ng sahod at oras ng pagtatrabaho.
 ・ Ang Law on Securing, Etc. of Equal Opportunity and Treatment between Men and Women in Employment o Danjo Koyou Kikai Kintouhou
Ipinagbabawal ang paggamit ng dahilan ng kasarian ng empleyado para sa recruitment, pagtanggap sa trabaho, paglilipat (pagdidispatsa), pagtaas ng ranggo (promotion), edukasyonal na pagsasanay (educational training), mga benefit package, pagreretiro, pagbibitiw, at pagkatanggal sa trabaho.
 ・ Iba pang batas
Nasasaklaw din ang mga dayuhang manggagawa sa Batas ukol sa Pinakamababang Pasahod o Minimum Wage Law (Saitei Chinginhou), Batas sa Pang-industriyang Kaligtasan at Pangkalusugan o Industrial Safety and Health Law (Roudou Anzen Eiseihou), Batas ukol sa Insyurans para sa Kompensasyon ng mga Manggagawang Naaksidente o Labor Accident Compensation Insurance Law (Roudousha Saigaihoshou Hokenhou), Batas ukol sa Pagpapahinga ng mga Manggagawang Nag-aalaga ng Anak o Kapamilya (Ikuji Kaigo Kyuugyouhou), at Batas sa Pagtatrabaho ng Part-time (Part-time Roudouhou).


CLAIR