Hinalaw mula sa “Nihon de hatarakou to suru gaikokujin no minasama e (Sa Mga Gustong Magtrabaho sa Japan)” ng Ministry of Health, Labor and Welfare
Mga dapat tandaan
1 Ang resume ang unang pakikiharap sa kompanyang naghahanap ng mga empleyado. Upang ipabatid ang inyong hangaring magtrabaho, sumulat sa paraang madaling maintindihan at huwag magsulat ng kasinungalingan.
2 Kailangang sulat-kamay ang resume. Gumamit ng itim na bolpen at isulat nang maayos ang nararapat na impormasyon. Kapag nagkamali, ulitin mula sa umpisa ang pagsusulat at huwag gumamit ng correction fluid/tape. Hangga’t maaari, huwag mag-iwan ng blanko.
Hinalaw mula sa “Nihon de hatarakou to suru gaikokujin no minasama e (Sa Mga Gustong Magtrabaho sa Japan)” ng Ministry of Health, Labor and Welfare