日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGE06-1

6
Training para sa mga dayuhan
Nakapaloob sa sistema ng training o pagsasanay para sa mga dayuhan ang pagtanggap ng Japan sa mga manggagawa mula sa iba’t ibang bansa at sa loob ng isang taon, ang pagbibigay ng suporta sa pagkalap ng teknolohiya, kasanayan, at impormasyon ukol sa industriya at kalakalan ng Japan. Hindi ito isang uri ng pagtatrabaho. Ayon sa batas ng imigrasyon, ang visa nito ay tinatawag na kenshuu o training.
Nakasaad sa ibaba ang mga pananagutan ng mga organisasyon na tumanggap ng mga trainee at ang pakikitungo sa mga trainee, ayon sa Japan International Training Cooperation Organization (JITCO) na pinamamahalaan ng limang sangay ng pamahalaan: Ministry of Justice, Ministry of Foreign Affairs, Ministry of Health, Labor and Welfare, Ministry of Economy, Trade and Industry, at Ministry of Land, Infrastructure and Transport.
6-1 Pananagutan ng mga organisasyon na tumanggap ng trainee
Kailangang mahigpit na sundin ng mga organisasyong tumanggap ng mga trainee ang mga sumusunod na bagay.
1 Pagbubuo at pagsasagawa ng plano ng pagsasanay.
2 Pagbabayad ng training allowance sa trainee bilang panggastos sa araw-araw.
3 Ang bawat organisasyon na tatanggap ng trainee ay dapat magtalaga ng tagapayo (adviser) sa mga trainee para gabayan sila sa kanilang training at pamumuhay sa Japan.
4 Paglalaan ng tirahan para sa trainee.
5 Siguraduhing mayroong nakalaang mga pasilidad para sa training.
6 Kailangang panatilihin ang kaligtasan at kalinisan ng mga pasilidad para sa pagsasanay alinsunod sa batas ng pagtiyak ng kapakanan at kalusugan ng mga manggagawa.
7 Gawing kasapi sa insurance na sasaklaw sa mga aksidenteng maaaring mangyari sa trainee habang nagsasanay.
8 Iwasan ang pagsasagawa ng mga hindi tamang gawain tulad ng pagbibigay ng trabaho na hindi sakop ng pagsasanay, o pagpapatrabaho nang lampas sa takdang oras ng pagsasanay, atbp.
9 (Kung sakaling tinanggap sa organisasyon na patnubayin bilang grupo) Susubaybayan ng organisasyon bilang isang grupo ang mga trainee na tinanggap sa kompanya.


CLAIR