日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGE06-2

6
Training para sa mga dayuhan
6-2 Pakikitungo sa mga trainee
(1) Pagkakaloob ng kasulatan tungkol sa pakikitungo (treatment notice) para sa mga trainee
Upang makapasagawa ng kaukulang hakbangin at maiwasan ang problema, ang kompanyang tumatanggap ng mga trainee ay dapat na ipagbigay-alam sa mga trainee ang mga bagay tulad ng nilalaman/sakop ng pagsasanay, oras ng pagsasanay, halaga ng training allowance, at iba pa. Dahil hindi mga manggagawa ang mga trainee, hindi maaaring lumampas sa takdang oras ang kanilang pagsasanay (training), at hindi rin silang maaaring papasukin sa mga araw ng pahinga.
(2) Pangangasiwa ng oras ng training
Sapagkat nararapat lamang na ang pagsasanay ay isagawa sa karaniwang oras ng pagtatrabaho ng kompanyang tatanggap ng mga trainee, bilang alituntunin, ang oras ng training ay 40 oras sa isang linggo. Ipinagbabawal ang training na lampas sa takdang oras na ito at sa mga araw ng pahinga.


CLAIR