日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGE06-3

6
Training para sa mga dayuhan
6-3 Wastong pagbayad ng training allowance
Ang training allowance ay tumutukoy sa binibigay na pera bilang suporta sa pang-araw-araw na panggastos ng trainee tulad ng pagkain, damit, libangang pangkultura, telepono, at iba pa. Kailangang bayaran nang diretso ng kompanya sa trainee ang training allowance sa isang takdang araw bawat buwan, at kailangan ding bigyan ang trainee ng kaukulang halaga mula sa kanyang training allowance sa mismong araw ng kanyang pagdating sa Japan. Ito ang kanyang pansamantalang pang-araw-araw na panggastos. Kung ipapadala sa bank account ng trainee, kailangang sumang-ayon muna ang trainee. Ang mga bankbook/passbook, inkan o sariling pantatak, at ATM card ay dapat nasa pag-iingat ng trainee.
Dagdag dito, bilang alituntunin, babayaran ng kompanya ang pamasahe ng trainee papunta sa Japan at pauwi sa sariling bansa, pabahay, pagsasagawa ng training ng trainee, premium sa health insurance, at iba pa.
Gayundin, magkaiba ang tinatawag na training allowance at ang gagastusin ng kompanya para sa pagpapapunta ng trainee. Hindi dapat ibabawas sa training allowance ang gagastusin ng kompanya para sa pagpapapunta ng mga trainee sa Japan.


CLAIR