Ang pasaporte at iba pang opisyal na dokumento ay dapat nasa pag-iingat ng trainee mismo. (Ibig sabihin nito, hindi maaaring itago ng mga employer ang pasaporte ng trainee.)
Ang tinatawag na sistema ng skills training ay isang sistema kung saan ang manggagawang mayroon nang kasanayan na nakuha dahil sa training ay pumirma ng kontrata ng trabaho bilang intern sa mga institusyong nagsasagawa ng mga practical training kung saan mas malilinang ang kanyang kakayahan sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa mga pagawaan. Ang isang intern ay itinuturing na manggagawa, at hindi dumating sa Japan para sumailalim ng training. Sa gayon, nasasaklaw siya ng mga batas ukol sa paggawa.
Dagdag dito, ang visa ng isang intern ay “Designated Activities” (tokuteikatsudou).
Dagdag dito, ang visa ng isang intern ay “Designated Activities” (tokuteikatsudou).




