日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGF01-1

Ilalahad dito ang tungkol sa serbisyong medikal sa Japan. Ibabahagi dito ang paraan ng pagkonsulta sa doctor, ang pagpapa-ospital, ang tungkol sa emerhensiya, tungkol sa parmasya o botika, at tungkol sa public medical insurance.

1
Mga medikal na pasilidad
Kung nagkasakit o nasugatan, magpagamot sa ospital. Ibabahagi dito kung gusto ninyong malaman anong paraan ng pagpapagamot at kung saang ospital ang pinakamabuti kapag may sakit at ang impormasyon tungkol sa mga medikal na pasilidad sa Japan at ang kanilang panustos at kalagayan, at mga alituntunin.
1-1 Mga pangunahing kaalaman tungkol sa mga medikal na pasilidad
(1) Mga uri ng medikal na pasilidad
Nakabahagi sa dalawa ang uri ng medikal na pasilidad, ang mga malalaking ospital na may sapat na kagamitan at kung saan maaaring magpa-ospital, at ang mga klinik (iin) o tanggapan ng duktor (shinryoujo) malapit sa inyong lugar kung saan mas personal ang serbisyo.
Ang mga klinik o tanggapan ng duktor ay ang mga medikal na pasilidad na mababa sa 20 ang bilang ng kama o higaan para sa mga pasyente at kadalasan, marami sa mag ito ang walang kagamitan at kapasidad para ipa-ospital ang pasyente, at tumatanggap ng pasyente na di malubha ang karamdaman.
Sa kabila nito, may kapasidad para sa pagpapa-ospital ang pasyente at may kagamitan para sa pagpapa-eksamen o pagsisiyasat ang mga malalaking ospital. Sa mga pampublikong ospital, mayroong sapat na sistema ng pagpapagamot na mataas ang antas sa bawa’t espesiyalisasyon. Sa mga ospital na higit sa 200 ang bilang ng kama o higaan para sa pasyente, may mga panahong mas malaki ang gastusin kapag walang liham ng rekomendasyon mula sa mga klinik.
Magpatingin muna sa klinik (o tanggapan ng duktor) sa simula, at kapag kinakailangan, mabibigyan ng rekomendasyon para magpagamot sa espesyalista. Huwag mabahala at mataranta kapag may sakit at suriin ng mabuti kung anong uri ng medikal na pasilidad ang nasa inyong lugar.
医療機関の種類
(2) Mga departamento ng espesyalisasyon
Pagpapasyahan ng klinik o ospital ang departamento kung saan magpapatingin ang pasyente ayon sa sakit o sugat na natamo. Dahil mayroong general hospital o sougou byouin na mayroong halos lahat ng departamento ng pagpapagamot at mga klinik, tanggapan ng duktor at ospital na may bahagi lang nito ang espesyalisayon, kapag magpapatingin, piliin ang naaangkop na lugar. Ang departamento ng internal medicine o naika, departamento ng surgery o geka, at departamento ng pediatrics o shounika ang pangunahing mga departamento, kapag mas malaki ang ospital, higit ding ang pagkakabahagi ng mga departamento kung saan makakatanggap ng mas espesyalisadong pagpapagamot. Sumusunod ang listahan ng mga departamento at binibigay ang halimbawa kung anong sakit ang maaaring ipatingin sa bawa’t isa.

●Departments
Mga departamento ng espesyalisasyon Ang pagpapagamot sa pamamagitan ng gamot, at maaaring magpatingin para pangkaraniwang sakit tulad ng sipon. Kapag di alam kung ano ang inyong karamdaman, mabuting magpatingin muna dito.
Surgery (para sa operasyon o geka) Para sa pagpapagamot na may kinalaman sa sakit o sugat na panlabas at operasyon ang pangunahing pagpapagamot na isinasagawa.
Pediatrics (para sa sakit ng bata o shounika) Para sa mga bata sakop ang edad ng mga nag-aaral elementarya at maaaring magpatingin dito para sa pangakarinawang sakit pambata.
Orthopedics (para sa buto o seikei geka) Isinasagawa dito ang pagpapagamot kapag nabalian ng buto o napilayan at para sa sakit ng likod (youtsuu), at sakit ng buto, kasukasuan o joint at kalamnan o muscle.
Opthalmology (para sa sakit sa mata o ganka) Bukod sa pagpapatingin para sa sakit ng mata, maaari ding magpakuha dito ng eyesight test o magpa-eksamen ng mata.
Dentistry (dentista o shika) Dito ang pagpapaayos ng sirang ngipin at pagpapagamot na may kaugnyan sa ngipin.
Iba pang departamento ang obstetrics and gynecology (para sa panganganak at sakit ng babae o sanfujinka), EENT (para sa sakit ng tenga, ilong at lalamunan o jibiinkouka), dermatology (para sa balat o hifuka), urology (para sa sakit sa pag-ihi o hinyoukika), radiology (para sa X-ray o houshasenka), clinical psychiatry (para sa problemang saykayatriko o seishinka), neurosurgery (para sa sakit ng ugat at shinkei naika/nougeka), respiratory disease/chest surgery (para sa sakit ng baga o kokyuukika/kyoubu geka), cardiovascular disease/heart surgery (para sa sakit ng puso o junkanki naika/shinzou geka), gastroenterolic medicine/digestive surgery (para sa sakit ng tiyan o shouhiki naika/shoukaki geka), at proctology (para sa sakit ng puwet o koumonka).
Sa mga malalaking ospital, kapag di sigurado kung saan maaaring magpakonsulta, magtanong at ipaalam sa reception o uketsuke ng ospital ang sintomas o nararamdaman ng katawan.
(3) Ang sistemang “first-come, first-served” at sistemang pang-appointment
Marami sa mga klinik at ospital ng Japan ang sumusunod sa sistemang “first-come, first-served.” Dahil dito, may mga panahon na kailangang maghintay ng isa hanggang dalawang oras. Gayun pa man, karaniwan ang sistemang pang-appointment sa pagpapakonsulta sa dentista at maging sa klinik o sa ospital, may lugar na kailangang makipag-appointment. Mabuting tiyakin ito bago tumuloy sa klinik at ospital.


CLAIR