日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGF01-3_1

1
Mga medikal na pasilidad
1-3 Proseso ng pagpapakonsulta sa doctor
(1) Ang pangkaraniwang proseso sa unang bisita
Una, hanapin ang klinik o ospital na maaaring puntahan kapag may sakit o nasugatan at ipakita ang health insurance card (kenkou hokenshou) sa reception o uketsuke ng klinik o ospital. Pagkatapos ipakita ang kenkou hokenshou, dadaan sa susunod na proseso: paghintay sa waiting room (machiai shitsu), pagpapatingin sa duktor, pagbayad at pagkuha ng gamot. Ilalarawan ito nang mas malinaw sa sumusunod.
1. Kung nais magpagamot dahil sa may sakit o nasugatan
Maghanap ng klinik o ospital na maaaring puntahan.
2. Tumungo sa klinik o ospital
Sabihin sa reception o uketsuke na “Shoshin desu (Unang bisita ko ito sa duktor)” at ipakita ang health insurance card o kenkou hokenshou. Sa panahong ito, kalimitang ipapasagot ang mga kailangang impormasyon sa application form para sa pagpapakonsulta o sa medical questionnaire (monshinhyou). Tinatawag na medical questionnaire o monshinhyou ang papel kung saan inilalagay ang impormasyon tulad ng sintomas ng kasalukuyang karamdaman at ang mga nakaraang sakit (o personal medical history) o kung may allergy, atbp. Pagkatapos sagutin, ibalik ang papel sa uketsuke at maghintay sa waiting room (machiaishitsu).
3. Pagpapatingin sa duktor
Kapag tinawag ang inyong pangalan, pumasok sa loob ng examination room (shinsatsushitsu) at magpatingin sa duktor. Kapag kinakailangan, maaari kayong bigyan ng eksamen o ipagamot. Kapag kinakailangan, magpa-appointment para sa susunod na bisita.
4. Pagbayad
Bayaran ang gastusin pangmedikal gamit ang cash. Pagkatapos magpatingin sa duktor, matatanggap ang resibo mula sa nars. Dalhin at ipakita ito sa payment counter. Itago ang resibo na inyong matatanggap sa panahong ito. Sa loob ng isang buwan, kapag lumaki ang babayaran ninyo para sa pagpapagamot (bagamat magkaiba ang pamantayan ayon sa sahod para sa mga indibdwal na may insurance, karaniwang ibig sabihin nito ang gastusin na humigit sa 80,100 yen), ibabalik sa inyo ang bahagi ng inyong binayaran. Gayundin kung humigit sa 100,000 yen ang gastusin pangmedikal sa isang taon, may pagkakataong mababawasan ang buwis na inyong babayaran. Kailangan ang resibo para sa mga ito.
5. Pagkuha ng gamot
Dahil ang reseta na inyong natanggap noong nagbayad sa ospital at tumungo sa parmasya para kunin ang gamot. Hiwalay ang bayad para sa gamot at dito babayaran (ingai yakkyoku, o parmasya na nasa labas ng ospital ang tawag dito). Minsan mayroon ding mga counter sa loob ng ospital o yakkyoku madoguchi kung saan matatanggap ang gamot at kung gayon, kasama na ang bayad para sa gamot sa iyong binayaran sa payment counter (ito naman ang tinatawag na innai yakkyoku, o parmasya sa loob ng ospital).
* Sa susunod na bisita sa duktor, dalhin ang inyong patient ID card at tumungo sa saishinki (mga automated machine na pang-rehistro) o ipakita ito sa reception para magparehistro. May panahon ding kailangang mag-aplay sa reception o uketsuke. Pagkatapos nito, pareho din ang proseso tulad sa unang bisita.


CLAIR