
(2) Pangkaraniwang proseso ng pagpasok sa ospital
Karaniwan, ipinaaalam na bago pa man pumasok sa ospital ang mga impormasyon tungkol sa araw ng pagpasok sa ospital, mga kailangang ihandang gamit, kasulatan ng pagsang-ayon (guarantee letter) sa pagpasok ng ospital at ang mga pangangailangan sa pagpasok sa ospital at pumasok ng ospital pagkatapos isagawa ang proseso. Pagmamasdan at isisiyasat ng duktor ang sintomas at karamdam bago pagpapasyahan ang inyong paglabas sa ospital. Ilalarawan ito nang mas malinaw sa sumusunod.
1. Paraan at proseso ng pagpasok sa ospital 
Sagutin ang application form para sa pagpasok sa ospital at ipakita ang mga kailangang bagay (health insurance card, patient ID card, perang pang-deposito, atbp). Kapag kinakailangan, makipag-usap sa nutrionist tungkol sa mga problema na kaugnay sa pagkain, mga tradisyon sa pagkain at sa relihiyon. Kung kailangang ipaalam ito sa ibang pasyente na nasa parehong silid, ipaalam sa nars. Kailangan ding ihanda ang mga pansariling kagamitan tulad ng underwear, toiletries tulad ng panghugas ng mukha, atbp.
2. Habang nasa ospital 
Sundin ang oras ng pagbisita sa pasyente at iwasang makaabala sa ibang pasyente. Minsan ipinagbabawal ang pagbisita ng mga bata sa mga ward ng ospital. Sa oras ng pagsasailalim sa operasyon, magbibigay ng paliwanag ang duktor at matapos nito, kailangang pumirma sa isang papel na nagsasaad na sang-ayon ka sa operasyong isasagawa. Kung sakaling mayroon kayong hindi naintindihan, huwag mag-atubiling magtanong hanggang naintindihan nang mabuti at kung may mga social worker, maaaring makipag-ugnayan sa mga ito.
3. Paglabas ng ospital 
Maaaring lumabas ng ospital kapag nabayaran na ang mga bayad para sa pagpapa-ospital.
|