日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGF01-4_1

1
Mga medikal na pasilidad
1-4 Proseso ng pagpasok sa ospital
Pagpapasyahan ng duktor kung papasok sa ospital o hindi, kasama na rin ang panahon ng pagpasok ng ospital pagkatapos niyang pagmasdan at siyasatin ang mga sintomas. Kapag nakatanggap ng payo mula sa duktor tungkol sa pagpasok sa ospital, kadalasan, kakausapin ang tagapamahala sa consultation window para sa pagpasok sa ospital (nyuuin soudan madoguchi) para itakda ang araw kung kailan papasok ng ospital at para alamin ang mga kailangang ihandang bagay.
(1) Kuwarto sa ospital
Mayroong pribadong kuwarto at kuwarto para sa dalawa, sa apat at sa anim na tao ang uri ng kuwarto sa ospital at kuwarto na para sa 4 hanggang sa 6 na tao ang pangkaraniwang ginagamit. Sa mga nais ng kuwarto na para sa isa o dalawang tao, maliban sa mga panahon na ipinagpasyahan ng ospital dahil may kaugnayan sa pagpapagamot, may hiwalay na karagdagang bayad para dito. Magkaiba ang karagdagang bayad depende sa ospital at mula 2000 yen hanggang sa higit 10,000 yen bawa’t araw ang agwat ng bayad.


CLAIR