
1-5 Mga paalala
(1) Mga paalala tungkol sa mga klinik o ospital 
Huwag gumamit ng cell phone o PHS sa loob ng klinik o ospital. Sundin ang takdang oras tulad ng pagbisita sa ospital o pag-reserba ng kuwarto. Mahalaga din na humingi ng paliwanag mula sa duktor tungkol sa resulta ng pagpapa-eksamen o tungkol sa gamot hanggang malinaw ninyong naintindihan ang mga ito.
(2) Kapag may alinlangan sa paggamit ng wika 
Kapag may alinlangan sa paggamit ng wika, humingi ng tulong mula sa isang interpreter o magsama ng tao bilang inyong interpreter. Depende sa lugar, may mga international association na nag-aalay ng serbisyo ng mga interpreter. Kung may mga social worker sa ospital, maaaring makipag-ugnayan din sa mga ito.
(3) Walang sapat ang kaalaman tungkol sa sistema ng pagpapagamot sa Japan
Sa sistema sa pagpapagamot sa Japan, marami ang hindi nag-aaplay upang tumanggap ng benepisyo kung kaya’t mahalaga na alamin ang sistema at ang pamamalakad nito. Magtanong sa reception o uketsuke o kung may mga social worker sa ospital, makipag-ugnayan sa mga ito. Walang bayad ang pakikipagkonsulta sa social worker at kanilang aalagaan ang inyong personal o pribadong impormasyon. Upang makatanggap ng pagpapagamot na walang problema, mahalaga na humingi ng tulong mula sa mga sanggunian o sa social worker kaya huwag mag-atubiling gamitin ang mga serbisyong ito.
|