May panahon na bigla kayong magkasakit o malubhang masugatan. Sa mga panahong ito, ano ang mga dapat gawin? Ibabahagi dito ang pagtawag ng ambulansiya, at tungkol sa pagpapagamot sa gabi at kapag holiday at sa oras ng emerhensiya.

Ipaalam agad sa 119. Maaaring tumawag sa 119 gamit ang landline, public phone (tingnan ang
P Sa oras ng emerhensiya at sakuna 1-1 (2) Mga teleponong maaaring gamitin), cell phone o PHS. Kapag tumawag sa 119, agad kayong makokonekta sa bumbero o shoubousho. Itatanong sa inyo ng bumbero kung tungkol sa sunog (
kaji) o ibang emerhensiya (
kyuukyuu) ang tawag kaya huwag mataranta at sabihing “kyuukyuu (emerhensiya)”. Sabihin kung saan ang lugar at palatandaan kung saan ang taong may sakit o may pinsala. Pagkatapos, agad at malinaw na ibigay ang detalye kung “sino,” “kailan,” “saan,” at “bakit.” Kapag kailangan, ibigay din ang bilang ng mga taong may sakit o pinsala at ang kanilang edad at kasarian (tingnan ang
P Sa oras ng emerhensiya at sakuna 1-2 (2) Nilalaman ng ulat sa oras ng emerhensiya).
Walang bayad ang pagtawag. Bagamat libre ang paggamit ng ambulansiya, hindi ito maaaring gamitin kapag hindi malubha ang sakit o pinsala at maaaring ihatid sa ospital sa pamamagitan ng taksi o sariling sasakyan.
Magpagawa din ng personal na kard para sa oras ng emerhensiya (tingnan ang
P Sa oras ng emerhensiya at sakuna 1-2 (1)) at lagi itong dalhin.