Gamitin ang mga medikal na pasilidad na pang-emerhensiya na matatagpuan sa bawa’t rehiyon. Sa mga pasilidad na ito, may serbisyo tulad ng holiday emergency clinic (kyuujitsu kyuukan shinryoujo) na bukas kapag Linggo, tuwing holiday at tuwing holiday ng bagong taon; emergency medical center (kyuukyuu iryou sentaa) at pang-gabing emergency center (yakan kyuubyou sentaa) na bukas sa gabi; dental health center (shika hoken iryou sentaa) para sa sakit ng ngipin kapag holiday; emergency medical care information center (kyuukyuu iryou jouhou sentaa) na maaaring tawagan kapag biglang nagkasakit upang mapagkaloob ng impormasyon tungkol sa mga duktor; at clinic rotation system (zaitaku touban seido).
Gayunman, magkaiba ang pangalan, uri ng serbisyo at oras ng pagtanggap ng pasyente ayon sa lugar. Sumangguni sa mga inilathala ng tanggapan ng inyong munispyo para sa impormasyon tungkol sa mga medikal na pasilidad na pang-emerhensiya, o maaari ding tumawag sa telepono. Sa paghanap ng impormasyon, mangyari munang suriin ang impormasyon mula sa mga inilathala na bulletin at pagkatapos magtanong sa tanggapan ng munisipyo.




