
4-2 Health insurance plan (kenkou hoken)
(1) Mga maaaring maging miyembro ng health insurance plan
Maaaring maging miyembro ang mga nagtratrabaho sa kompanya.
(2) Paraan upang maging miyembro ng health insurance plan
Isinasagawa ang aplikasyon sa inyong kompanya o sa opisina ng insurance company. Mangyaring magtanong sa inyong kompanya o sa opisina.
(3) Health insurance card (kenkou hoken hihokenshashou)
Kapag naging kasapi ng health insurance plan, mapagkakalooban ng health insurance card. Nagsisilbi ang health insurance card bilang patunay na miyembro ng programa ng health insurance kaya alagaan ito ng mabuti. Nakasulat ang pangalan at tirahan ng miyembro sa health insurance card at kapag magpapakonsulta sa duktor, ipakita ito sa reception o counter ng medikal na pasilidad. Dalhin din ang card kapag bumibiyahe saan man sa loob ng Japan. Hindi maaaring ipahiram o ibenta ang health insurance card.
(4) Ang bahagi ng halaga na sagot ng medikal na pasilidad
Kapag nagpagamot para sa sakit o kasugatan, 30% ng gastusin pangmedikal ang sariling gastos. Para sa mga 70 taong gulang pataas ang edad, maaari maging 10% o 30% ang sariling gastos ng buong halaga, depende sa kinikita. At para naman sa mga mga sanggol na may edad na 0-2 taong gulang, ito’y 20% ng buong halaga.
●Ang bahagi ng halagang babayaran ng sariling gastos
| Miyembro na tumatanggap ng insurance |
Regular |
30% ng gastusin pangmedikal |
| Mga matatanda |
10% ng gastusin pangmedikal (kapag umabot ang kinikita sa itinakdang antas, magiging 30%) |
| Dependent |
Mababa sa 3 taong gulang ang edad |
20% ng gastusin pangmedikal |
| Mula 3 taong gulang at mas mababa sa 70 taong gulang |
30% ng gastusin pangmedikal |
| Mga matatanda |
10% ng gastusin pangmedikal (kapag umabot ang kinikita sa itinakdang antas, magiging 30%) |
(5) Bayad sa insurance (insurance premium)
Ikakaltas mula sa suweldo ang bayad para sa insurance. Bata yang halaga sa inyong kinikita at naghahati sa pagbayad ang miyembro ng health insurance plan at ang kanyang employer.
(6) Uri at nilalaman ng mga benepisyo ng health insurance plan
| |
Kategorya |
|
| |
Uri ng benepisyo |
|
| |
Kapag nagkasakit o nasugatan |
|
Miyembro na tumatanggap ng insurance |
Dependent |
|
| Kapag magpapagamot gamit ang inyong health insurance card |
→ |
Benepisyo sa pagpapagamot Gastos para sa pagkain at pagpapagamot kapag na-ospital |
Gastos sa pagpapagamot para sa depedent |
| Kapag binayaran muna ang sariling gastos para sa gastusin pangmedikal at isasauli ang halaga pagkatapos (reimbursement) |
→ |
Gastos sa pagpapagamot |
| Kapag nagbayad ang gastusin pangmedikal na higit sa itinakdang halaga |
→ |
Benepisyo para sa mamahaling gastos sa pagpapagamot |
| Kapag inilipat ng lugar sa panahon ng emerhensiya |
→ |
Gastos sa paglipat ng medikal na pasilidad |
Gastos sa paglipat ng ng medikal na pasilidad para sa dependent |
| Kapag nagpahinga sa trabaho para magpagamot |
→ |
Benepisyo para sa aksidente at sakit |
|
| Kapag nanganak |
→ |
Lump-sum birth allowance na 350,000 yen Maternity allowance* |
Lump-sum birth allowance na 350,000 yen ng dependent* |
| Kapag namatay |
→ |
Bayad sa pagpapalibing |
Bayad sa pagpapalibing ng dependent |
* Lump-sum allowance para sa panganganak at pag-aalaga ng bata/Lump-sum allowance para sa panganganak ng kapamilya
Kapag ang miyembro o ang dependent na kapamilya ang nanganak, mabibigyan sila ng lump-sum allowance na 350,000 yen sa bawa’t anak.
|