日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGG01-2_4

1
National Pension (Kokumin Nenkin)
(4) Lump-sum withdrawal refund system (kapag uuwi na sa sariling bansa)
Mayroong lump-sum withdrawal refund system sa National Pension Fund at Employees’ Pension. Ito ang sistema kung saan maaaring makuha ng isang dayuhan ang lump-sum withdrawal refund kung siya ay nagbayad ng premium nang mahigit sa 6 na buwan habang siya’y nasa Japan, at nag-aplay para makuha ang lump-sum withdrawal refund sa loob ng dalawang taon simula nang umuwi siya sa sarili niyang bansa. Para sa detalye, kumpirmahin ito sa Pensions Section ng inyong munisipyo.

●Tungkol sa pag-aaplay para makuha ang lump-sum withdrawal refund
Kondisyon ng Pag-aaplay Mga Dokumentong Kailangang Ihanda Mga Kalakip na Dokumento
Kailangang mag-aplay sa loob ng dalawang taon simula nang umuwi sa sariling bansa ang dayuhang nagbayad ng premium nang mahigit sa 6 na buwan. Lump-sum withdrawal refund claim (National Pension Fund/ Employees’ Pension)
1. Kopya ng pasaporte (pahinang nagsasaad ng petsa ng huling paglabas mula sa Japan, pangalan, kaarawan, nasyonalidad, pirma at uri ng visa)
2. Dokumentong nagsasaad ng impormasyon kung saan ipapadala ang pera, tulad ng pangalan, branch at address ng bangko, bank account number at pangalan ng may-ari ng bank account (maaaring dokumentong ipinagkaloob ng bangko, o may tatak sa kolum ng Bank Account Verification bilang patunay na mula ito sa bangko)
3. Passbook ng National Pension Fund

●Halaga ng lump-sum withdrawal refund (2007)
Bilang ng buwan na nagbayad ng kontribusyon Halaga ng makukuhang pera
6 ~ 11 buwan 42,300 yen
12 ~ 17 buwan 84,600 yen
18 ~ 23 buwan 126,900 yen
24 ~ 29 na buwan 169,200 yen
30 ~ 35 na buwan 211,500 yen
36 na buwan pataas 253,800 yen
* Iba ang kalkulasyon para sa mga panahong nalibre sa pagbabayad ng premium, depende sa uri ng pagkakalibre.
3/4 na libre → 1/4 na buwan
1/2 na libre → 1/2 buwan
1/4 na libre → 3/4 na buwan
Mula sa datos ng Social Insurance Agency


CLAIR