
|
National Pension (Kokumin Nenkin) |
|
1-2 Uri ng benepisyo
(1) Pensiyon para sa mga matatanda (rourei kiso nenkin)
Maaaring itong makuha ng mga miyembrong edad na 65 taong gulang pataas, kung mahigit sa 25 taon na sila’y nagbayad ng premium (kasama na ang panahong nalibre sa pagbabayad ng premium)
(2) Pensiyon para sa mga may kapansanan (shougai kiso nenkin)
Maaari itong makuha ng mga miyembrong nagkaroon ng kapansanan at mga miyembrong napinsala ang katawan bago maging 20 taong gulang. Para sa mga miyembrong tumanggap dati ng disability welfare pension (shougai fukushi nenkin), tungkol sa kapansanang natamo bago maging 20 taong gulang, may limitasyon ang pensiyon ayon sa laki ng kita.
(3) Pensiyon para sa mga namatayan (izoku kiso nenkin)
Kapag namatay ang isang miyembro ng National Pension Fund, o namatay ang isang miyembro ng Pensiyon para sa mga matatanda o rourei kiso nenkin (kailangang kasapi nang 25 taon) na nakumpleto ang mga hinihinging kondisyon, maaaring makuha ng naiwang babaeng asawa na nag-aalaga ng kanilang anak na edad 18 taong gulang pababa, o makuha ng anak (hanggang sa huling araw na siya’y 18 taong gulang o kung may kapansanan ang anak, hanggang ito’y maging 20 taong gulang). Subalit kailangang nabayaran ng namatay ang mahigit sa 2/3 (66.66%) ng kanyang premium, upang makuha ng pamilya ang pensiyong ito.
|