日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGG01-1

Ang pampublikong pensiyon ay isang sistema ng social insurance na nagbibigay suporta sa pamamagitan ng pensiyon kapag tumanda, nagkaroon ng kapansanan, naulila o namatayan. Sa panahon ng kagipitan tulad ng pagkakaroon ng kapansanan o pagkamatay, nagbibigay ng kasiguruhan ang pensiyon.
Bilang sistema ng pampublikong pensiyon, may tinatawag na (1) National Pension (Kokumin Nenkin) kung saan ang mga kasapi nito ay maaaring makatanggap ng Pensiyon para sa matatanda, Pensiyon para sa may kapansanan, at Pensiyon para sa pamilya ng namatayan, at (2) Employees’ Pension (Kousei Nenkin Hoken) kung saan kasapi rito ang mga empleyado at may karagdagang matatanggap na pensiyon na batay sa kinikita ng isang empleyado, bukod sa kanyang Kokumin Nenkin.

1
National Pension (Kokumin Nenkin)
1-1 Pagiging miyembro sa National Pension
(1) Detalye para sa pagiging miyembro tulad ng edad, atbp.
Bagamat ang lahat ng mga naninirahan o residente sa Japan na edad 20 pataas hanggang 59, pati na ang mga dayuhan, ay kasapi ng National Pension Fund (Kokumin Nenkin), ang mga empleyadong kasapi ng Employees’ Pension (Kousei Nenkin Hoken) ay kasapi rin ng National Pension Fund. Hindi na kailangang mag-aplay para sa National Pension Fund kung kasapi na sa Employees’ Pension dahil awtomatikong nagiging miyembro ng National Pension Fund ang mga miyembro ng Employees’ Pension.
(2) Paraan ng pag-aaplay sa National Pension
Pumunta at mag-aplay sa Pensions Section ng munisipyo at dalhin ang inkan o sariling pantatak (hindi kailangan ng inkan kung may pirma ng aplikante ang application form).
(3) Pagbabayad ng pension premium
Ang halaga ng premium na babayaran ay walang kinalaman sa kinikita ng indibiduwal. Buwan-buwan, dapat magbayad ng 14,100 yen (noong taong 2007). Matatanggap taon-taon tuwing Abril ang payment form na ipinadala ng Social Insurance Agency. Dalhin ang payment form na ito sa post office, bangko, o convenience store upang bayaran. Maaari ring magbayad mula sa inyong bank account.
Kapag maliit ang kinikita, o kaya’y nahihirapan sa pagbabayad ng premium, maaaring malibre sa pagbabayad ng buo o bahaging halaga kung hihilingin ito. Para sa mga estudyante, bagamat maaaring ipagpaliban ang pagbabayad sa pamamagitan ng paggamit ng sistemang “Sistema sa Pagbabayad ng Mag-aaral (Gakusei noufu tokurei seido)”, may ilang mga eskuwelang hindi maaaring gamitan ng sistemang ito. Bilang alituntunin, kailangang mag-aplay bawat taon para halimbawa malibre sa pagbabayad ng premium (maliban sa mga may legal exemption). Linawin ang mga detalye tungkol dito sa Pensions Section.

●Probisyonal na listahan ng mga kitang maaaring malibre sa pagbabayad
Uri ng paglilibre Halimbawa ng Kita (Taunang Kita) Halaga ng parsyal na bayad Halaga ng Pensiyon
Pamilyang may 1 miyembro Pamilyang may 2 miyembro* Pamilyang may 4 na miyembro*
 
100% na libre
 
Pagpapaliban ng pagbayad ng mga bata
570,000
(1,220,000) yen
920,000
(1,570,000) yen
1,620,000
(2,570,000) yen
----  
1/3
 
----  
----
 
¾ o 75% na libre 930,000
(1,580,000) yen
1,420,000
(2,290,000) yen
2,300,000
(3,540,000) yen
3,470 yen 1/2
 
50% na libre
 
Sistema sa pagbabayad ng mag-aaral
1,410,000
(2,270,000) yen
1,950,000
(3,040,000) yen
2,820,000
(4,200,000) yen
6,930 yen  
2/3
 
----  
----
 
¼ o 25% na libre 1,890,000
(2,960,000) yen
2,470,000
(3,760,000) yen
3,350,000
(4,860,000) yen
10,400 yen 5/6
 * Tumutukoy ang “Pamilyang may 2 miyembro” sa mag-asawa lang. Tumutukoy ang “Pamilyang may 4 na miyembro” sa mag-asawa at dalawang anak (edad na 16 taong gulang pababa).


CLAIR