日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGG02-2_4

2
Employees’ Pension (Kousei Nenkin Hoken)
(4) Lump-sum withdrawal refund system (kapag uuwi na sa sariling bansa)
Mayroong Lump-sum withdrawal refund system sa National Pension Fund at Employees’ Pension. Ito ang sistema kung saan maaaring makuha ng isang dayuhan ang lump-sum withdrawal refund king siya ay nagbayad ng premium nang mahigit sa 6 na buwan habang siya’y nasa japan, at nag-aplay para makuha ang lump-sum withdrawal refund sa loob ng dalawang taon simula nang umuwi siya sa sarili niyang bansa. Para sa detalye, kumpirmahin ito sa Pensions Section ng inyong munisipyo.

●Tungkol sa pag-aaplay para makuha ang lump-sum withdrawal refund
Kondisyon ng Pag-aaplay Mga Dokumentong Kailangang Ihanda Mga Kalakip na Dokumento
Kailangang mag-aplay sa loob ng dalawang taon simula nang umuwi sa sariling bansa ang dayuhang nagbayad ng premium nang mahigit sa 6 na buwan. Lump-sum withdrawal refund claim (National Pension Fund/ Employees’ Pension)
1. Kopya ng pasaporte (pahinang nagsasaad ng petsa ng huling paglabas mula sa Japan, pangalan, kaarawan, nasyonalidad, pirma at uri ng visa)
2. Dokumentong nagsasaad ng impormasyon kung saan ipapadala ang pera, tulad ng pangalan, branch at address ng bangko, bank account number at pangalan ng may-ari ng bank account (maaaring dokumentong ipinagkaloob ng bangko, o may tatak sa kolum ng Bank Account Verification bilang patunay na mula ito sa bangko)
3. Passbook ng National Pension Fund

●Halaga ng makukuhang lump-sum sa Employees’ Pension
Bilang ng buwan na insured Halaga ng makukuhang pera
6 ~ 11 buwan Average standard earnings* x contribution rate
(insurance premium rate x 50% x 6)
12 ~ 17 buwan Average standard earnings** x contribution rate
(insurance premium rate x 50% x 12)
18 ~ 23 buwan Average standard earnings x contribution rate
(insurance premium rate x 50% x 18)
24 ~ 29 na buwan Average standard earnings x contribution rate
(insurance premium rate x 50% x 24)
30 ~ 35 na buwan Average standard earnings x contribution rate
(insurance premium rate x 50% x 30)
36 na buwan pataas Average standard earnings x contribution rate
(insurance premium rate x 50% x 36)
  * average standard earnings = Ito ang kabuuang halaga ng inyong sahod at mga bonus sa loob ng panahon kung kailan kayo ay naka-insure, na hinati ayon sa bilang ng buwan kung kailan kayo ay naka-insure.
** Sa chart na ito, ang contribution rate sa buwan ng Oktubre sa nakaraang taon kung kailan kayong huling nagbayad (ang “buwan ng inyong huling pagbayad” ay ang buwan bago sa buwan ng pagkawalang-bisa ng pagiging insured) ay tinatawag na “contribution rate”. Kung ang guwan ng inyong huling contribution ay mula Enero hanggang Oktubre, ang contribution rate ay katumbas ng contribution rate sa buwan ng Oktubre sa nakalipas na dalawang taon.
Mula sa website ng Chigasaki city


CLAIR