
|
Employees’ Pension (Kousei Nenkin Hoken) |
|
2-2 Uri ng benepisyo
(1) Pensiyon para sa mga matatanda (rourei kousei nenkin)
Kapag nakumpleto ng miyembro ng Employees’ Pension ang takdang panahon (ibig sabihin, kailangang umabot sa 25 taon ang pagbabayad ng premium, kasama ang mga taon na nalibre sa pagbabayad nito) ng pagtanggap ng pensiyon para sa mga matatanda (rourei kiso nenkin) na nasa ilalim ng National Pension Fund, mula sa edad na 65 taong gulang, maaari niyang matanggap ang rourei kousei nenkin na dagdag pa sa kanyang rourei kiso nenkin.
(2) Pensiyon para sa mga may kapansanan (shougai kousei nenkin)
Kapag ang isang miyembro ng Employees’ Pension (Kousei Nenkin Hoken) ay nagkaroon ng kapansanan at maaaring tumanggap ng shougai kiso nenkin ng natioanl pension fund, maaari din niyang makuha ang shougai kousei nenkin na dagdag pa sa shougai kiso nenkin.
(3) Pensiyon para sa mga namatayan (izoku kousei nenkin)
Kapag namatay ang isang miyembro ng Employees’ Pension, at nagawa niya ang mga hinihiling na kondisyon, maaaring makuha ng kaniyang naiwang pamilya ang izoku kousei nenkin na dagdag pa sa izoku kiso nenkin ng National Pension Fund.
|