
|
Employees’ Pension (Kousei Nenkin Hoken) |
|
Ito ang sistema ng pensiyon kung saan kasapi rito ang mga empleyado at may karagdagang matatanggap na pensiyon na batay sa kinikita ng isang empleyado, bukod sa kanyang Kokumin Nenkin.
2-1 Pagiging miyembro sa Employees’ Pension
(1) Mga maaaring maging miyembro
Tulad ng health insurance, kung mayroong mahigit sa limang empleyadong full-time ang isang kompanya, nasasaklaw din ang mga dayuhang manggagawa ng Employee’s Pension (Kousei Nenkin Hoken) kaya kailangan nilang sumali dito. Kung ang manggagawa ay isang part-timer, at kung ang kanyang oras ng trabaho o bilang ng araw ng trabaho ay umabot sa 75% ng doon sa mga regular na empleyado ng parehong kompanya, kailangang sumali ang manggagawa sa Employee’s Pension (Kousei Nenkin Hoken).
(2) Paraan ng pag-aaplay sa Employees’ Pension
Ginaganap sa pinagtatrabahuhang kompanya ang pag-aaplay para sa Employees’ Pension. Sumangguni sa inyong kompanya o sa opisina ng social insurance.
(3) Pagbabayad ng pension premium
Bagamat tig-50% ang amo at ang manggagawa sa pagbabayad ng premium nito, maaaring magkaiba ang halaga nito depende sa natatanggap na buwanang sahod at bonus ng manggagawa. Dumadaan sa kompanya ang pagbabayad ng premium. Para sa detalye, sumangguni sa inyong kompanya o sa opisina ng social insurance.
|