日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGH01-1
H出産・育児

Isang malaking pangyayari sa buhay ng tao ang pangaganak at pag-aalaga ng bata. Dito ilalahad ang mga kailangang isagawang proseso at suportang serbisyo para sa pag-alaga ng bata mula sa pagbubuntis hanggang sa aktwal na panganganak.

1
Pagbubuntis
Isang malaking responsibilidad ang pagbubuntis at panganganak para sa isisilang na bata. Kung maaari, gawin ang pagbubuntis at panganganak sa isang ideyal na kapaligiran, hindi lang para sa mag-asawa kundi para na rin sa isisilang na anak. Mangyari lamang na ipadala ang notipikasyon ng pagbubuntis sa tanggapan ng munispyo sa lalong madaling panahon kapag nalaman na ang pagbubuntis.
Sa Japan, ipinagkakaloob sa mga buntis ang talaan ng kalusugan ng mag-ina (o boshi kenkou techou). Mayroon ding mga kurso o klase na binubuksan tungkol sa kaalaman ng pagbubuntis/panganganak/pag-aalaga ng bata.
1-1 Kapag buntis
Kapag buntis, ipasa ang notipikasyon ng pagbubuntis (ninshin todoke) sa tanggapan ng munisipyo sa inyong tinitirhang lugar. Magkaiba ang lugar kung saan ipinapadala ang notipikasyon ng pagbubuntis (ninshin todoke) ayon sa tanggapan ng munisipyo. Para sa mga detalye, mangyari lamang makipag-ugnayan sa tanggapan ng munisipyo. Makakatanggap ng talaan ng kalusugan ng mag-ina (boshi kenkou techou) kapag pinadala ang notipikasyon ng pagbubuntis.


CLAIR