日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGH01-2
H出産・育児

1
Pagbubuntis
1-2 Talaan ng kalusugan ng mag-ina (boshi kenkou techou)
(1) Ano ang tinatawag na talaan ng kalusugan ng mag-ina (boshi kenkou techou)?
Dito nakasulat ang resulta ng medical checkup ng mag-ina at ang talaan ng paglaki ng bata, mga health check-up at bakuna, at mga serbisyo tungkol sa kalusugan.
May nilalamang kolum na “patunay ng pagpasa ng sertipiko sa pagrehistro ng kapanganakan (shusshou todokezumi shoumei)” ang unang pahina ng talaan ng kalusugan ng mag-ina. Ang sumusunod ang iba pang nilalaman sa loob ng talaan.
●Bagay na may kinalaman sa kalusugan ng ina
・ Pagkuha ng nutrisyon sa panahon ng pagbubuntis
・ Medical check-up record sa panahon ng pagbubuntis
・ Progreso ng pagdadalantao at pagkatapos ng panganganak
・ Talaan ng pagkakaiba ng timbang sa panahon ng pagbubuntis at pagkatapos ng panganganak
・ Talaan ng pagpasok sa klase o kurso para sa mga ina (magulang), atbp
●Bagay na may kinalaman sa kalusugan ng bata
・ Obserbasyon ng tagapag-alaga tungkol sa paglaki ng bata at medical checkup record ng sanggol
・ Paglaki ng katawan ng sanggol (body growth)
・ Timbang ng katawan ng sanggol (body height and weight)
・ Talaan ng bakuna
・ Talaan ng natamong sakit
(2) Talaan ng kalusugan ng mag-ina sa iba’t-ibang wika
May mga tanggapan ng munisipyo na gumagamit ng talaan ng kalusugan ng mag-ina di lamang sa wikang Hapon kundi sa ibang wika tulad ng English, Intsik, Koryano, Portuges, Español, Thai, Indonesian, Tagalog, atbp. Mangyari lamang na makipag-ugnayan tungkol dito kapag ipapasa na ang notipikasyon ng pagbubuntis (ninshin todokedesho). Ipinagbibili rin ito sa Japan Family Planning Association, Inc (Nihon Kazoku Keikaku Kyoukai).

Namamahalang organisasyon Address Telepono/Website Wikang tinutugunan
Japan Family Planning Association, Inc
(Nihon Kazoku Keikaku Kyoukai)
1-10 Ichigayatamachi, Shinjuku- ku, Tokyo Tel: 03-3269-4727
URL:http://www.jfpa.or.jp/
English, Portuges, Tagalog

* Para sa mga katanungan tungkol sa talaan ng kalusugan ng mag-ina sa ibang wika, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa
(Boshi Eisei Kenkyuukai) Mother and Child Health Research Society
 2-18-7 Soto-Kanda, Chiyoda-ku, Tokyo
 Telepono: 03-4334-1160
 URL: http://www.mcfh.or.jp/
(3) Iba pang detalye
Isinalin ang "From Pregnancy to Childcare" How to Prepare for Childcare in Japan” sa walong iba’t-ibang wika: Hapon, English, Intsik, Koryano, Portuges, Español, Thai, at Vietnamese. Nagkakahalagang 1,575 yen (hindi kasama ang shipping charge) ang isang kopya. Mayroon ding ipinagbibiling hiwalay na video (DVD sa wikang English). Para sa mga detalye, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa AMDA International Medical Information Center.

Sanggunian Address Telepono/Web site
AMDA International Medical Information Center,
Tokyo Center
Kabukichou
Yubinkyokudome,
Shinjuku-ku, Tokyo
160-0021
Tel: 03-5285-8086
URL: http://homepage3.nifty.com/amdack/
AMDA International Medical Information Center,
Kansai Center
Osaka Chikkou
Yubinkyokudome,
Minato-ku,
Osaka-shi, Osaka
552-0021
Phone: 06-4395-0555


CLAIR