日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGH01-3
H出産・育児

1
Pagbubuntis
1-3 Medical checkup para sa buntis, patnubay sa insurance, atbp.
(1) Medical checkup para sa buntis
Sa panahon ng pagbubuntis, siguraduhing magpahinga nang mabuti at kumain ng pagkaing lubos sa nutrisyon, at huwag makalimutang pumunta para sa inyong regular checkup.
Maaaring magpa-checkup na walang bayad (mga 2 beses) sa medikal na pasilidad sa inyong tinitirhang prefecture sa panahon ng pagbubuntis. Maaaring makatanggap ng medical checkup form pagkatanggap ng talaan ng kalusugan ng mag-ina (boshi kenkou techou).
Kadalasan walang interpreter sa mga ospital o klinik, kaya’t mas mabuting magsama ng taong marunong magsalita ng wikang Hapon.
(2) Personal na patnubay mula sa mga midwife o nars
Sa bawa’t munisipyo, nagpapadala sa mga bahay-bahay ng midwife o nars upang turuan at ipaalam ang iba’t ibang preparasyon tungkol sa panganganak at mga bagay-bagay tungkol sa pagbubuntis. Walang bayad ang mga bisitang ito at maaaring personal na kausapin ang mga midwife o nars, o maaaring magpakilala sa inyong duktor.
(3) Mga pasilidad para sa panganganak
Kapag may problemang pampinansyal tungkol sa panganganak, maaaring tumanggap ng pera mula sa gobyerno upang makapasok sa mga kinauukulang midwife institusyon. Kailangang mag-apply sa munisipyo na hanggang sa ika-5 o ika-6 na buwan ng pagbubuntis.
(4) Mga kurso o klase para sa nanay o mga magulang
May mga kurso o klase tungkol sa karaniwang kaalaman ng pagbubuntis at pag-alaga ng bata na binubuksan sa bawa’t munisipyo. Maaaring sumama ang nagdadalantao at ang kanyang pamilya. Walang bayad ang pagsali dito.


CLAIR