
|
Pagrehistro ng pangaganak at pagkuha ng nasyonalidad |
|
Kapag naisilang na ang bata, ang duktor o midwife ang gagawa ng sertipiko sa pagrehistro ng kapanganakan ( shusshou todoke). At bagamat dayuhan o di Hapon ang magulang at naipanganak sa Japan ang bata, ayon sa Family Registration Law ( Kosekihou), kailangan din ang sertipiko sa pagrehistro ng kapanganakan ( shusshou todoke). Kapag hindi Hapon ang nasyonalidad o citizenship ng bata, kailangang iparehistro ang kapanganakan ayon sa “bagong pagpaparehistro ( shinki touroku)” ng Alien Registration Law (tingnan ang B Alien registration 1-2 Kapag ipinanganak ang bata), at sa “pagkuha ng visa o status of residence” ng Refugee Recognition Law ( Nanmin Ninteihou) (tingnan ang A Uri ng visa 2-8 Pagkuha ng visa (status of residence)).
2-1 Sertipiko sa pagrehistro ng kapanganakan (shusshou todoke)
Kapag ipinanganak ang bata sa Japan, dahil sakop din ng Family Registration Law (Kosekihou) ang mga dayuhan na nasa Japan bilang katibayan ng territorial jurisdiction (zokuchiteki kouryoku), anuman ang nasyonalidad ng bata, ipadala ang sertipiko sa pagrehistro ng kapanganakan (shusshou todoke) sa tanggapan ng munisipyo sa loob ng 14 na araw mula sa araw ng pagkasilang. Pansamantalang pag-isipan ang ipapangalan sa bata at ayusin ang mga dokumentong kinakailangang ihanda.
| Mga dokumentong kailangang ihanda |
Saan ipapasa ang dokumento/Sanggunian |
Hanggang kailangan |
Sino ang magpaparehistro |
1.Sertipiko sa pagrehistro ng kapanganakan o shusshou todoke (nakahanda na ito sa tanggapan ng munisipyo o sa ospital)
2.Sertipiko ng kapanganakan (pagkapanganak makukuha ang sertipiko sa pagrehistro ng kapanganakan o shusshou todoke mula sa doctor o midwife)
3.Sariling pantatak (inkan) ng taong magpaparehistro (kapag walang inkan, maaari na rin ang lagda kapalit nito)
4.Talaan ng kalusugan ng mag-ina (boshi kenkou techou)
5.Health insurance card ng National Health Insurance (para sa miyembro lamang) |
Kung saan ipinanganak o sa tanggapan ng munisipyo ng inyong lugar kung saan nakatira ang magpaparehistro |
Sa loob ng 14 na araw mula araw ng pagsilang |
Ang ama o ina |
Kapag naipanganak na ang bata, ipadala rin ang notipikasyon sa sariling bansa. Tiyakin ang impormasyon sa embassy o consulate ng bansa sa Japan tungkol sa paraan o proseso, atbp.
Kapag kailangan, kumuha ng sertipiko ng pagtanggap sa pagrehistro ng kapanganakan o shusshou todoke juri shoumeisho (dokumento na nagsasabing natanggap na ng munisipyo ang sertipiko sa pagrehistro ng kapanganakan o shusshou todoke).
|