日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGH02-2
H出産・育児

2
Pagrehistro ng pangaganak at pagkuha ng nasyonalidad
2-2 Pagkuha ng nasyonalidad para sa kapapanganak na sanggol
Importante ang nasyonalidad o citizenship para sa kinabukasan ng bata. Kahit anong nasyonalidad o citizenship pa man ang kunin, kailangan itong dumaan sa tamang proseso. Bago pa man ipanganak ang bata, makipag-ugnayan sa tagapamahala ng pagpaparehistro o sa legal affairs bureau ng embassy at bawa’t kinauukulang tanggapan ng munisipyo at tiyakin ang mga dokumentong nauukol na ihanda.
(1) Kapag Hapon ang isa sa mga magulang
Kapag Hapon ang isa sa mga magulang at legal ang kasal, maaaring maging Hapon ang nasyonalidad ng naisilang na bata. Dahil sa kasabay ang pagsasa-ayos ng nasyonalidad ng bata sa pagpanganak nito, kapag hindi legal ang kasal at hindi kinikilala ng ama ang bata, hindi mabibigyan ng Japanese citizenship ang bata. Samantala, para naman sa pagkuha ng nasyonalidad ng isa pang magulang, pareho ang proseso nito sa proseso kapag parehong dayuhan ang magulang. Mangyari lamang na makipag-ugnayan sa embassy o consulate na nasa Japan para sa mga detalye.
(2) Kapag parehong di Hapon ang ina at ama
Kapag parehong dayuhan ang dalawang magulang, kahit na ipinanganak ang bata sa Japan, hindi maaaring makakuha ng Japanese citizenship ang bata. Susunod ang nasyonalidad ng bata ayon sa batas ng bansa ng mga magulang. Magkaiba ang pamamahala o pagsasagawa ng bawa’t bansa kaya mangyari lamang na makipag-ugnayan sa embassy o consular office na nasa Japan tungkol sa proseso at mga dokumento na kailangang ihanda.

Nasyonalidad ng Magulang Nasyonalidad ng Bata Proseso
Kapag nagpakasal sa Hapon ang isa sa mga magulang Japanese citizenship
1.Pagpapadala ng sertipiko sa pagrehistro ng kapanganakan (shusshou todoke) sa tanggapan ng tinitirhang munisipyo
2.Pagtatanong tungkol sa pagkuha ng nasyonalidad ng isa pang magulang sa embassy o consulate na nasa Japan
Dayuhan ang mga magulang Dayuhan ang nasyonalidad Magtanong sa embassy o consulate sa Japan ng bansa ng mga magulang


CLAIR