日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGH03-2
H出産・育児

3
Gastos sa panganganak at iba’t-ibang uri ng benepisyo
3-2 Lump-sum birth allowance (shussan ikuji ichijikin)
Kapag naging miyembro ng National Health Insurance o ng health insurance plan, makakatanggap ng lump-sum birth allowance (shussan ikuji ichijikin) kapag nanganak. Makakatanggap ang miyembro ng National Health Insurance ng 300,000 hanggang 380,000 yen, habang makakatanggap ang miyembro ng health insurance plan ng 350,000 yen bawa’t anak. Mangyari lamang na makipag-ugnayan sa tagapamahala ng National Health Insurance sa tanggapan ng munisipyo na inyong tinitirhan para sa mga miyembro ng National Health Insurance, o sa inyong pinagtratrabahuhang lugar o sa opisina ng inyong insurance company para naman sa mga miyembro ng health insurance plan. (tingnan ang F Medical Care 4-2 Health Insurance)


CLAIR