Ayon sa munisipyo, may mga lugar na maaaring bigyan ang isinilang na bata ng pera bilang handog (tanjou iwaikin), o ng regalo (tanjou iwaihin) at pagkuha ng kapanganakan (tanjou no kiroku) o para sa mga tumatanggap ng mababang sahod, binibigyan ng gatas o powdered milk hanggang sa maging isang taon gulang ang bata. Mangyari lamang na makipag-ugnayan sa tanggapan ng munisipyo ng inyong tinitirhang lugar kung may ganitong sistema.
 Iba’t-ibang uri ng allowance |
 Ang nilalaman |
 Mga kondisyon |
 Proseso / Hakbang |
| Lump-sum birth allowance (shussan ikuji ichijikin) |
・ Para sa miyembro ng National Health Insurance, 300,000~380,000 yen
・ Para sa miyembro ng health insurance plan, 350,000 yen bawa’t anak |
Pagiging miyembro ng National Health Insurance o health insurance plan |
Para sa National Health Insurance, sa tanggapan ng munisipyo, at para sa health insurance, sa pinagtratrabahuhang opisina o sa opisina ng insurance company |
| Maternity allowance (shussan teatekin, habang nakabakasyon sa trabaho dahil sa panganganak) |
60% ng pamantayang natatanggap sa isang araw (standard daily wage) |
1 Mahigit sa isang taon na tuluyang miyembro ng health insurance plan
2 Kapag natanggal sa trabaho, at nanganak sa loob ng 6 na buwan ng pagkawala ng trabaho |
Sa inyong kompanya o social insurance office |
| Allowance para sa bata (jidou teate) |
・ Para sa 0~3 taong gulang, 10,000 yen bawa’t buwan
・ Para sa 3 taong gulang hanggang sa matapos sa elementarya (kapag naging 12 taong gulang, ang unang ika-31 Marso na dumaan) : para sa una at pangalawang anak, 5,000 yen bawa’t buwan
At mula sa pangatlong anak pataas, 10,000 yen bawa’t buwan |
May limitasyon, depende sa sahod o income |
Tingnan ang I Pampublikong tulong at serbisyo (Welfare) 1-1 Allowance para sa bata (jidou teate) |
| Iba pang allowance |
Regalo o pera |
------ |
Magkaiba ayon sa munisipyo. Makipag-ugnayan sa tanggapan ng munisipyo sa inyong lugar |