日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGH04
H出産・育児

4
Serbisyong medikal
Para lumaki nang malusog ang bata, may bakuna at medical checkup para sa sanggol. Tingnan ng mabuti ang mga paalala at patalastas galing sa tanggapan ng munisipyo.
4-1 Medical checkup para sa sanggol
May ginagawang medical exam sa proseso at progreso ng paglaki, pagsukat ng taas at timbang at konsultasyon para sa mga sanggol at bata sa edad na 3~4 na buwan, 8~10 buwan, 1 taon at kalahati, at 3 taong gulang. Dahil magkakaiba ang paraan ng pagpapatupad nito ayon sa munisipyo, makipag-ugnayan at tiyakin ang impormasyon sa pinakamalapit na health center.
4-2 Bakuna
Ang bakuna ay injeksyon na nagtutulong para maiwasan ang impeksyon at sakit, mabawasan ang sintomas, at para maiwasan ang paglala ng sakit. Ang bakuna ang siya ring ginagamit para maiwasan ang nakakahawang sakit.
Ayon sa batas tungkol sa bakuna, maaaring bigyan ng bakuna na walang bayad. Upang hindi magkasakit, mahalagang magpabakuna. Maaaring mapadalhan ng notipikasyon o paalala sa wikang English, Español, o Portuges kapag alam ang nasyonalidad.
Kapag may hindi maintindihan o may mga pag-alala, makipagkonsulta sa inyong duktor, sa tanggapan ng munisipyo, o sa health center.
4-3 Halimbawa ng pagsagot ng gastos sa pagpapagamot
30% lamang ng gagastusin sa pagpapagamot ang babayaran kung miyembro ng health insurance plan, ngunit 20% naman ang kailangang bayaran para sa mga sanggol na wala pang 3 taong gulang.


CLAIR