
Sa Japan, kapag hindi kayang alagaan ang bata sa loob ng pamamahay, may mga pasilidad na kung saan maaaring iwanan ang bata para alagaan ng iba. Mayroon ding mga organisasyon kung saan pwedeng iwanan ng pansamantala ang bata at may mga institusyon na sumusuporta sa pag-alaga ng bata.
5-1 Kinikilalang day care center (ninka hoikusho o hoikuen)
(1) Ano ang tinatawag na kinikilalang day care center (ninka hoikusho o hoikuen)?
Ang day care ay isang institusyon kung saan pinapaubaya ang sanggol na 0 taon hanggang bago makapasok ng elementarya sa umaga para alagaan dahil may trabaho o sakit ang tao sa pamilya. Mayroong pampublikong at pribadong day care center at sa mga pribadong ay care center, nakahiwalay ang mga lugar na kinikilala at di-kinikilala ng munisipyo.
Marami ang nais mag-apply sa mga pampubliko at mga kinikilalang pribadong day care center, ngunit dahil sa mga kondisyon na kailangang tugunan upang makapasok dito, hindi lahat ng nag-apply ay natatanggap. Ang bayad para sa day care center (houikuryou) ay ayon sa laki ng sahod o kita ng pamilya at kadalasan, 8 oras sa isang araw (alas-7 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi) ang pag-aalaga sa bata. Kapag nais ng mas mahabang oras sa pag-aalaga, may mga lugar kung saan tumatagal ito hanging 20 oras.
Sa bayad para sa mga di-kinikilalang day care center, walang itong kinalaman sa laki ng sahod o kita ng pamilya. Kailangang bayaran ang day care center ayon sa halagang sinisingil nito.
| Mga dokumentong kailangang ihanda sa pag-apply para sa pampubliko o kinikilalang day care center |
・Alien registration card (lahat ng miyembro ng pamilya, kopya ng harap at likod nito)
・Kopya ng withholding tax statement (gensen choushuu)/final income tax return (kakutei shinkoku)
・Talaan ng kalusugan ng mag-ina (boshi kenkou techou) para sa interview pagkatapos ng aplikasyon |
|