Kailangang isagawa ang proseso at pag-apply sa munisipyo para sa pagpasok sa kinikilalang day care center.
| Application para sa pagpasok sa day care center |
Mag-apply sa consultation window ng tanggapan ng munisipyo na kung saan ang day care center na nais ipasok ang anak. Mayroong nakahandang listahan ng day care center ang bawa’t munisipyo, kaya maaaring gawin itong batayan sa pagpili ng day care center. Mayroon ding munisipyo kung saan maaaring magpasa ng application sa iba’t ibang day care center.
Magkaiba ang mga kailangang ihanda para sa aplikasyon sa bawa’t munisipyo, ngunit karaniwan na hinihingi ang application form, salaysay tungkol sa sitwasyon ng pamilya at bata, kopya ng withholding tax (gensen choushuu), tax certification (kazei shoumeisho), at mga dokumentong nagpapatunay na hindi kaya ang pag-aalaga ng bata. Tumatanggap ng aplikasyon kahit kailan, ngunit kapag nais ipapasok sa day care sa buwan ng Abril, mayroong mga munisipyo na may sinusundang schedule kaya mangyari lamang na tiyakin ito. |
| Mga dokumentong kailangang ihanda |
Saan ipapasa ang dokumento/ Sanggunian |
Mula at hanggang kailan |
1. Application form sa pagpasok sa day care center
2. Salaysay tungkol sa situasyon ng pamilya at ng bata
3. Dokumento na nagpapatunay na hindi kaya ang pag-aalaga (employment certificate ng magulang, atbp)
4. Kopya ng withholding tax statement (gensen choushuu), income tax return (kakutei shinkoku), tax certification (kazei shoumeisho)
Atbp |
Sa tanggapan ng munisipyo |
Kahit kailan. Ngunit kung nais ipapasok sa Abril, minsan may sinusundang schedule kaya mangyari lamang tiyakin ito. |
| ↓ |
|
| Pagpipili |
Ang tagapamahala tungkol dito sa munisipyo ang magpapasya kung hindi kayang maalagaan ang bata sa tahanan at kung sino ang mas nangangailangan ng tulong sa pag-aalaga ayon sa kanilang sitwasyon (hindi ayon sa kung maagang nag-apply o hindi). Batay sa kapasidad ng day care center, pag-uusapan sa meeting at tsaka pipiliin kung sino ang mga papasok sa day care center. |
| ↓ |
|
Informal contact (naitei no renraku) |
Ipagbibigay-alam sa inyo nang di opisyal ang tungkol sa pagtanggap ng inyong aplikasyon (may munisipyo na hindi gumagawa nito) |
| ↓ |
|
Interview at desisyon tungkol sa aplikasyon |
Pagkatapos kayong makausap, magkakaroon ng interview at orientation. Dito rin pag-uusapan kung anong mga gamit ang kailangang dalhin sa day care. |
| ↓ |
|
| Pagpasok sa day care |
|
(3) Mga hoikusho/hoikuen na hindi kasama sa listahan ng mga kinikilalang day care center
Ang mga di-kinikilalang day care center ang tinatawag sa mga lugar na di alinsunod sa laki at bilang nga child-care worker. Magkaiba ang pamamalakad at ang pasilidad ayon sa day care center. Sinusuportahan sila ng munisipyo, at hawig din sila sa mga kinikilalang day care. Mapapansin na sa mga mas maliit na day care, mas maraming maliliit na bata.