日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGH05-3
H出産・育児

5
Pag-aalaga ng bata
5-3 Mga iba pang bagay
(1) Pansamantalang pag-aalaga ng bata
Ang pansamantalang pag-aalaga ay isang sistema na kung saan iniiwan sa day care ang bata dahil nahihirapan sa pag-aalaga ang pamilya --- tulad ng kung di regular ang trabaho at pumapasok ng 1-3 beses sa isang linggo, kapag naospital dahil sa sakit o panganganak, atbp. Magkaiba ang pagbayad dito ayon sa munisipyo.
(2) Family Support Center
Gumawa at pinapatakbo ng munisipyo ang isang sistema kung saan maaring maging miyembro ang nagsusuporta sa isa’t-isa ang mga gustong magpaalaga ng bata at ang mga taong gustong mag-alaga ng bata. Maaaring ibilin ang bata at pansamantalang ipaalaga kapag nais magkaroon ng pagkakataong para pumunta ng ospital at mag-alaga o magpahinga. May bayad na 600 yen bawa’t oras (magkaiba ayon sa munisipyo) at maaring gamitin ang serbisyong ito kahit anumang oras. Kailangang magparehistro bilang miyembro bago magamit ang serbisyong ito. Para sa detalye, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa tanggapan ng munisipyo.


CLAIR