
|
Nursing Care Insurance (Kaigo Hoken) |
|
Ang Nusing Care Insurance (Kaigo Hoken) ay sistema ng lipunan na sumusuporta sa mga nakatatanda at mga nangangailangan ng nursing care (nangangailangan ng suporta). Sa sistemang ito, ang mga may edad na 40 taong gulang pataas ay maaaring maging miyembro sa pamamagitan ng pagbayad ng insurance fee (hokenryou). Sa oras na mapatunayang sila ay nangangailangan ng nursing care, sampung porsiyento lang ng gastusin ang kanilang papasanin at maaari na silang makinabang sa serbisyong ito.
2-1 Ang maaaring maging miyembro at ang bayad sa insurance (insurance premium)
(1) Maaaring maging miyembro ang may edad na 40 taong gulang pataas
Sakop ng bayad sa insurance at buwis ang sistemang ito. Lahat ng mga may edad na 65 taong gulang pataas at mga naging miyembro ng medical insurance (health insurance plan o kenkou hoken at National Health Insurance o Kokumin Kenkou Hoken) na may edad 40 hanggang 64 taong gulang ay sakop ng serbisyong ito.
Gayundin, sa mga dahuyang nagparehistro ng alien registration at nakatira sa Japan ng higit sa isang taon, ang mga may edad na 40 taong gulang pataas ay kinakailangang maging miyembro ng Nursing Care Insurance ( Kaigo Hoken).
・ Insurant (hihokensha) 1 (miyembro): Lahat ng residente ng Japan na may edad na 65 taong gulang pataas
・ Insurant (hihokensha) 2 (miyembro): Lahat ng residente ng Japan na may edad na 40 hanggang 64 taong gulang na miyembro ng medical insurance (iryou hoken)
(2) Bayad sa insurance (insurance premium)
Magkaiba ang patakaran sa pagtanggap ng serbisyo at sa babayarang insurance premium ng insurant 1 (miyembro) at insurant 2 (miyembro). Sa insurant 1 (miyembro), ang insurance premium ay nahahati sa iba’t-ibang antas alinsunod sa proseso ng pagpataw ng buwis ng munisipyo. Sa insurant 2 (miyembro), idadagdag ang bayad ng insurance premium sa premium na binabayaran para sa National Health Insurance. Ang halaga ng insurance premium ay nagkakaiba ayon sa medical insurance plan na pinasukan ng miyembro.
|