日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGI02-2_1・2

2
Nursing Care Insurance (Kaigo Hoken)
2-2 Kapag tumanggap ng nursing care service
(1) Kailan maaaring tumanggap
Ang pagtanggap ng nursing care service ay limitado sa mga may edad na 65 taong gulang pataas na nangangailangan ng nursing care, o di kaya’y mga nangangailangan ng nursing care dahil sa mga sakit (Parkinson’s disease at 15 pang ibang mga sakit) na dulot ng pagtanda.
(2) Patunay na nangangailangan ng nursing care service
Sa pagtanggap ng nursing care service, kinakailangang magpasa ng application form sa tanggapan ng munisipyo at sumailalim sa youkaigo nintei o pagpapatunay ng pangangailangan ng nursing care, upang malaman ang antas ng nursing care na kinakailangan. Matapos ipasa ang application form at magpasailalim sa medical exam ang aplikante, pag-aaralan ng komite (Kaigo Nintei Shinsakai) ang resulta ng pagsusuri mula sa duktor at pagpapasyahan kung totoong nangangailangan ng nursing care ang aplikante. (Kasama sa 6 na antas ang pangangailangan ng suporta o youshien at pangangailangan ng nursing care o youkaigo 1~5).


CLAIR