日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGI03

3
Tulong at serbisyo para sa mga may kapansanan
Mayroong iba’t-ibang patakaran para sa pagiging independent o pamumuhay nang mag-isa ng mga may kapansanan at suporta para sa kanilang partisipasyon sa lipunan.
3-1 Tungkol sa bawa’t booklet o passbook (techou)
Sa mga may kapansanang pisikal, hinihikayat silang kumuha ng identification booklet for the physically handicapped o shintai shougai techou.
Sa mga may kapansanang mental, hinihikayat silang kumuha ng special person passbook o ryouiku techou.
Sa mga may kapansanang sikolohikal at may limitasyon sa pang-araw-araw at panlipunang pamumuhay, hinihikayat silang kumuha ng booklet for mentally handicapped individual’s welfare and health o seishin shougaisha hoken fukushi techou.
Bukod sa pakinabang sa iba’t-ibang serbisyong nabanggit, ang mga kumuha ng booklet o passbook (techou) ay maaari ring makakuha ng kaltas sa buwis, diskwento sa pasahe, at iba pa.
3-2 Pang-administratibong serbisyo para sa mga may kapansanan

Uri ng serbisyo

Nilalaman
Tulong sa gastusin sa pagpapagamot Tulong sa gastusin sa pagpapagamot (Depende sa bigat ng kapansanan at nilalalaman ng pagpapagamot)
Paghahatid at pag-aayos ng kagamitan Paghahatid, pag-aayos, at pagpapapahiram ng wheelchair, artificial leg, hearing aid, at tukod para sa mga bulag, at iba pa (Depende sa bigat ng kapansanan at kundisyon ng pamumuhay)
Suporta sa pagpapagamot Suporta sa pagpapagamot para sa mga may malubhang kapansanan na wala sa pasilidad ng tulong at serbisyo (welfare) (Depende sa bigat ng kapansanan at kundisyon ng pamumuhay)
3-3 Pasilidad ng tulong at serbisyo
Merong pasilidad para sa pagsasanay at suporta para sa mga may kapansanan.


CLAIR