Ito ang sistema kung saan nagbibigay ng tulong at suporta para sa pagiging independent ng mga pamilyang nahihirapan sa pang-araw-araw dahil sa pagliit ng income dulot ng pagkakasakit o pagkamatay ng pangunahing maybahay.
Para makatanggap ng suporta sa pang-araw-araw na pamumuhay (seikatsu hogo), kinakailangan ang pagsisikap ng bawat isa sa abot ng kaniyang makakaya. sa kasong ginawa na ang lahat ng makakaya at hindi pa rin kayang suportahan ang pinaka-basic na pamumuhay, maaari ng tumanggap ng suporta.
Sa suporta sa pang-araw-araw na pamumuhay (seikatsu hogo), ang pamantayan ay ang pagkakaroon o hindi ng pangangailangan at ang bigat ng pangangailangan ng isang pamilya. Sa mga pamilya ng dayuhang nakatira sa Japan, maaari rin silang makatanggap ng suporta sa pang-araw-araw na pamumuhay (seikatsu hogo) kung matugunan nila ang mga kondisyon katulad ng sa pamilyang Hapon. Ang halaga na maaari nilang matanggap ay batay sa patakaran ng suporta sa pang-araw-araw na pamumuhay (seikatsu hogo).
Mayroong iba’t-ibang kondisyon bago makatanggap ng tulong o hogo. Para sa detalye, makipag-ugnayan sa tanggapan ng inyong munisipyo.




